MBT 49

131 14 3
                                    

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako mapakali dahil sa sobrang diin ng katawan niya sa akin. I feel vagued. Isang minutong napako ang tingin namin sa isa't isa. Tumunog ang kanyang cellphone niya galing sa kanyang bulsa  at bahagya siyang dumistansya sa akin. Tumalikod siya upang sagutin iyong tumatawag. 

" Yes, babe. I'm fetching you. " Sabi niya sa isang normal na tono. Tinitigan ko lang siya at tiniis ang hapding biglang sumilid sa puso ko. Nahihirapan siya ng dahil sa akin pero alam ba niyang mas nahirapan akong tanggapin sa sarili kong hindi siya ang para sa akin kaya ko siya tinanggihan noon? Wala siyang alam don. 

" Saan ka pupunta ngayon? " Nagulantang ako sa biglaan niyang paglitaw sa harapan ko. Natulala na pala ako.

" Uh.. babalikan ko si Enrique. " Napaisip ako sa ginamit kong salita ngunit napansin ko ang mas kumulimlim na mukha ni Daniel. Inipit ko ang labi ko. 

" Bakit iniwan mo rin ba siya? Aren't you going somewhere else? " Bigo ang kanyang boses. Nag-iwas ako ng tingin at naalala ang isa pang bagay na kailangan kong tuparin ngayong araw.

Sa kabila ng mga rasong ipinunta ko dito ay tila biglang nawaglit lahat dahil sa aming pagtatagpo at sa pagpapaalala niya sa dapat namin pagkikitang muli ng kaibigan kong si Denden. Wala akong nagawa kundi ang makisabay upang maabutan ko ang oras na pinag-usapan namin ni Denden. I'm just stupid not to remember anything.

" Nanginginig ang mga kamay mo. May problema ba? " Bahagya akong nagulat sa pagbasag ni Daniel mula sa nakatuon kong expresyon sa kalsada.

" Huh? ..just drive. " Wala sa sarili kong sumbat. Paano kung hindi ko siya doon maabutan, magagalit ba siya sa akin? Ito ang unang beses namin pagkikita simula noong mga bata pa lang kami, bibiguin ko ba siya? Hindi yata ako makakatulog kapag hindi ko tinupad ang naging usapan namin.

Muli kaming binalot ng matinding katahimikan kaya imbes na mag-aalala ako ay mas inalala ko ang kabang dumaloy sa buong katawan ko. What's with those creepy eyes? Mabagal siyang nagdridrive at para bagang walang konsentrasyon sa kanyang ginagawa. Nakapatong ang isang siko niya sa pintuan ng sasakyan habang tamad na nagmamaneho. Nairita ako.

" Ano ba? Nagmamaneho ka ba o nanaginip? " Hinarap ko siya at pinagmasdan ang pamamanglaw ng kanyang expresyon. Ano bang problema niya? 

Umugong ang hawak  kong cellphone kaya bumalik dito ang konsentrasyon ko. 

' Inimbitahan ako ng Mommy mo sa family dinner niyo mamaya, am I suppose to come? ' Basa ko sa text na galing kay Ench. Bumaling ako sa kalsada at bumuntong-hininga. Another problem.

" Matagal na ba kayong magkakilala ni Ench? What's with him? " Tumigil sa pagtibok ang puso ko ng marinig ko iyon galing kay Daniel. Hindi ko siya magawang lingunin. 

" You don't need to know about him. Just drive, please. " Utos ko sa maliit na boses. Kita ko sa tagiliran ng aking mata ang pag-angat ng kanyang adam's apple. Itinagilid niya ang cambio at sa isang segundo ay tila gusto ng kumawala ng kaluluwa ko sa bilis ng pagpapatakbo niya, napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt na nakapulupot sa akin. 

" Daniel, ano ba! Papatayin mo ba ako?! " Bulyaw ko habang kinakalma ang sarili ko. Hindi pa rin siya tumigil at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo. Halos maduling na ako kaya niyugyog ko siya. Nalaglag ang isang maliit na figure mula sa dashboard kaya nagulat ako. Huminto ang sasakyan. Yumuko ako upang hanapin ang bagay na iyon ngunit nauna na itong hagilapin ni Daniel. 

" What's that? " Ipinatong niya ang isang pegura ng maliit na anghel sa ibabaw ng dashboard at napanga-nga ako. Unti-unting lumakas ang kalabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko itong mabuti. Hindi ako maaring magkamali. 

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon