MBT 55

149 7 0
                                    


" Go, talk to your Kuya, Demara.. " Ani Daddy sa isang napapaos na boses. Napatingin ako sa aking kapatid mula sa di kalayuan at bahagyang tumango. 


" Doc, bakit hindi pa rin siya gumigising?! Hindi ba sabi niyo maayos na siya? " Galit at matinding takot ang bumalot sa kanyang buong pagkatao habang hindi pa rin nagigising ang kanyang Ina. Tumabi ako sa kanya. 


" Brace yourself. Everything's gonna be okay, kuya.. don't worry.." Hindi ko alam kung paano ko pagagaanin ang kanyang pakiramdam ngunit ito lang ang naiisip kong paraan.


" You're fooling yourself. Hindi ba ito naman ang gusto mo? ..Julia, kasalanan mo lahat ng ito! " Napaatras ako at sandaling natulala sa kanyang mga paratang. Para akong nabingi at agad naubusan ng hininga. Hindi ako nakapagsalita. Nakabuka ang aking bibig ngunit ni isang letra'y walang namuo mula dito. 


" Daniel! You're being too harsh to your sister! Wala siyang kasalanan dito, walang may gusto sa nangyari kaya wala kang dapat sisihin... " Napakurap ako sa pagdating ni daddy, sa pagkakataong iyon ay hinayaan kong dumaloy ang ilog ng luha sa aking pisngi. Biniyak ang puso ko.


 Lumabas ako sa hospital na wasak at manhid sa mga nangyari. 


" Are you alright? " Napasinghap ako sa seryosong tanong ni Enrique.


" Aren't you going to answer the phone again? He's your father.. wala siyang kasalanan sayo. Don't make things more complicated, Mara. He's all you have! " Hindi ko siya pinansin. Pinaglaruan ko na lang ang remote at hinayaan siyang sagutin ang tawag. 


" Happy? " Sarkastiko niya akong nginitian matapos niyang magsinungaling sa ika-sandaang beses. Tumikhim ako. Am I happy? What a stupid question. 


" Alam mo ba, hanggang ngayon.. para parin sirang plakang paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinabi niyang iyon sakin. " Nasabi ko habang tulalang nanonood sa bagong movie'ng kapapalabas pa lang. 


" Really? Oh come on, Mara.. it's been a year. You should move on! " Nilapit niya ang mukha niya sakin. Bumaba ang tingin ko sa kanya at napangiwi. Tama siya, it's been a year. Isang taon na simula ng mangyari ang lahat, ngunit bakit ganon? Hindi pa rin nagbabago ang lahat, malinaw at sariwang-sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang kailan ba ito matatapos?


" Fine.. what do you want me to do? " Napatingin ako sa kanya. 


" Huh? ..Ano ka ba-"


" Mara, unti-unti ng bumabagsak ang kompanya niyo.. hahayaan mo na lang ba? " Kumunot ang noo ko sa muli niyang paghalungkat sa bagay na iyon. Masusi niya akong inusisa ngunit inirapan ko lang siya. Tinapon ko ang remote at tumayo.


" Wala akong pakialam don, Quen. Pwede ba.. wala na tayo sa Pilipinas so would you please stop mentioning about them! Gusto ko na lang munang makalimot.. " Nilagpasan ko siya. Masyado ng mabigat para sa aming lahat ang magsama-sama sa iisang bahay kaya mas minabuti kong lumayo na lang muna. Ngunit sa aking paglayo, mas lalo pa yatang nalunod ang puso ko sa sakit at pasakit.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon