MBT 3

508 27 0
                                    

Bago pa man dumating ang bagong umaga ay nagbihis na ako upang pumasok ng maaga sa unang responsibilidad ko bago ang klase.

" Huwag kang magpapalate, Crown. May reporting tayo ngayon sa Physics! " Banta ko sa kagigising pa lang na si Crown.

Muli kong sinuklay ang buhok ko bago pasadahan ng isang tingin ang buong suot ko. Malinis at walang bahid ng pagiging mahirap. Sana ang lahat ay makikita at maihahalintulad na lamang sa isang makabagong damit upang  hindi ko masabing nahihirapan ako sa buhay.

Hindi ko na tinignan pa ang nakaismid na si Crown.

" Bakit ba kasi pinipilit mo pang magpart time? Gusto kang tulungan ni Mommy pero ayaw mo! " Ani Crown.

Tama siya. Gusto nga akong pag aralin ni Tita Imelda dahil para niya na raw akong anak pero kung iisipin ko ang lahat ng ginawa nila sa akin, ayaw ko ng magiging dagdag responsibilidad sa mga taong hindi ko ka ano-ano. Sa kabila ng miserableng buhay na mayroon ako, maswerte pa rin ako dahil sobra sobra ang biyayang natatanggap ko mula sa kanila.

Binuksan ko ang ilaw sa library at bumalandra sa akin ang mga nakakalat at patong-patong na libro sa mahahabang lamesa ng library. Inilapag ko ang gamit ko sa upuan. Una kong pinulot at pinagsasama ang magkakaugnay na tema ng libro at saka iyon maayos na ibinalik sa bawat bookshelves. Tulad ng dati naglinis ako ng malawakan sa library, mula sa pagwawalis, pagpupunas ng mga shelves at pag aayos nito. Inabot ako ng isa't kalahating oras sa library bago magsimula ang klase. Ito marahil ang dahilan kung bakit ni minsan sa taong ito ay hindi ko pa nakukuhang malate sa klase.

Katulad ng mga nakaraang araw naging matiwasay ang takbo ng araw na ito, nagkaroon ng kaunting activities at natapos namin ni Crown ang reporting sa Physics ng may pinakamataas na marka. Dahilan upang mag alburoto sa inis ang puro props at visual aids na si Kathryn.

" Sino ba naman kasing tanga ang gagamit ng props sa isang formula reporting? Ang sabi ipapaliwanag ang mga formula'ng ginamit ng mga physicist hindi magpaparty! ..tss " Umirap ako dahil sa ginawang pagkontra ni Kathryn sa marka'ng nakuha namin. Nakaupo kami ngayon sa bench ng campus at nakaharap sa football field.

" Easy, okay! She couldn't get back the perfect grade we've got. " She compliments and a satisfying smirk grows around her lips. That's why I want her that much.

Sabay kaming umuwi ni Crown kaya nagpasya kaming kumain na lang sa labas tutal pareho kaming tamad magluto. Mula sa aming paglalakad ay napadpad kami sa isang fastfood chain. 

Halos di matigil ang tawanan namin dalawa sa pagpapalitan ng ideya sa iritadong hitsura ni Kath kanina. Umayos kami ng upo ng dalhin na ang inorder naming pagkain. Isang sisig at isang bicol express para sa aming dalawa, kasama ang dalawang slice ng pizza para sa dessert.

Nabilaukan ako sa pagdating ni Kenneth kasama ang mga kaibigan niya siguro, ngumiwi ako sa pasimpleng ngiti ni Crown sa akin. Akala ko ba kakain lang kami bakit may mga extra?

Nagbitiw ako ng buntong hininga sa gilid ko bago ko pa man mamataan ang pagdating ng bwiset na Enrique sa tabi ni Ken. Nakapameywang siya na wari'y isang leader kung saan. Umayos siya ng tayo ng sa wakas ay magtagpo ang mga tingin namin. Nanliit ang mga mata ko sa ginawa niyang pagngisi sa akin.

Hinayaan nila kaming matapos sa pagkain bago simulang balutin ng kaingayan ang buong espasyo ng fastfood. Hindi ako umiimik sa ginagawa nilang panunukso kay Enrique sa akin. Wala akong balak ubusin ang pasensya ko sa isang walang kwentang usapan. Isa lang ang problema, dahil sa kaingayan nila umiinit na ang ulo ko, nadagdagan pa lalo ito sa pagsali ni Crown sa pang aasar sa akin. Nyeta.

" Uuwi na ako, Crown, may gagawin pa ako bukas di ba. " Sabad ko sa kanya habang inaayos sa likod ko ang bag. Tumango na lang siya kahit litaw sa mukha niya ang hindi niya pagsang ayon. Alam niyang may isa akong salita at hindi niya ako kayang kontrolin.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon