MBT 21

220 16 1
                                    

Hindi ko inaasahan ang maging kampante matapos kong isend ang mensaheng iyon pabalik kay Daniel. Oo. Sigurado akong siya 'yon, nagpapapansin lang siya at pinansin ko naman.

Nakatulog agad ako ng makauwi kami sa boarding, samantalang si Crown naman ay nagpaalam saglit upang makipagkita sa kay Alicia'ng medyo matagal rin niyang hindi nakita matapos ang christmas vacation.

" Bumili ka na rin ng pananghalian natin, Crown. Gusto ko ng gulay, naumay yata ako sa puro karne nung pasko. " Pahiwatig ko sa kanya habang nagsisintas siya ng sapatos sa may hagdan.

Nagpaalam na siya at umalis.

Naalimpungatan ako sa isang tunog galing sa loob ng bag kong nasa katabi ko lang sa kama. Tamad ko itong kinuha at iniangat upang itsek.

Unknown number:

Talaga! Sorry na. Nagpalit na kasi ako ng sim kaya natagalan. Anyway, sorry kung pinaghintay kita.

Base ito sa natanggap kong text. Napatili ako at ibinagsak ang sarili sa kama. I can't believe it. He feels sorry about me? Seriously? I am gonna die!

Dali-dali kong hinanap ang reply at mabilis na nagtext back. Hindi ko masabi kung tama ba 'yong dapat kong nireply at kung tama pa ba ang takbo ng utak ko sa ngayon.

Ako:

Daniel it's okay. At least now I know you aren't mad at me anymore. Uhm. See you tomorrow then.

Gusto ko pa sana iyon dagdagan ng 'I miss you' sa dulo kaso dinalaw ako ng pagiging negatibo ko kaya hinayaan ko na lang humupa at mabulok sa loob ko ang sana'y gusto kong iparating.

Mabilis bumalik ang text at agad ko rin itong tinignan ngunit sadyang mapagbiro lang siguro ang tadhana kaya niya ako hinuli sa aking tunay na nararamdaman. Nagkamali na naman ako.

Unknown number:

Daniel? It's me Enrique. Is that why you just told me you waited so long. Well this isnt his number.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking napagtanto. Omg. Hinde! This isn't true. This is wrong. I am dreaming, am I not? Wtf.

Mabilis pang sumunod ang isang text at mas lalo akong nangatog at nangamba sa aking posisyon.

Enrique:

It feels disappointing.

Binasa ko iyon sa text. Tuluyan na akong naging tuod at miski ang kamay kong nakaangat sa hangin ay nanigas na rin. No. There's no way he isn't Daniel. Daniel is just trying to catch me, isn't he? Ang akala niya siguro ay maniniwala ako.

Ako:

Well, so am I. I feel the same. Disappointed of you trying to use other names for your own plea. Don't play game with me, Daniel. I know it's you.

Inihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha kong natuyuan ng dugo at bahagyang nakaramdam ng panandaliang ginhawa. It is you, Daniel. I know that.

Hinintay ko ang muling pagbabalik ng text ngunit wala, walang dumating. Bawat saglit ko itong sinusulyapan ngunit bigo akong makatanggap ng kahit anong text.

Nakatulog akong hawak ko sa aking kamay ang cellphone ko.

Pagdating ng umaga, hindi kami magkamayaw ng tamad pumasok na si Crown sa boarding. Kinailangan ko pa siyang galitin para lang makabalik siya sa normal.

" Unang araw sa klase ngayon para sa year na ito kaya wa'g kang tamad, Crown. Mahuhuli na tayo, bilisan mo! " Para tuloy akong may alagang bata sa inaasta niya. Ewan ko ba sa batang ito, ngayon pa niya naisipan maglaro sa pag-aaral.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon