It's my first day in College today, and its kind of creepy in here. I don't know why I prefer studying here when I obviously don't like it. The atmosphere in the campus is nothing but boring. They really are very attentive and products of good character. I love it here knowing that I can get on the top, fashion here is nothing to them, they don't care about things getting around, they just.. study well? Anyway, I am about to know it.
" Uhm.. Hi, Ms. Montes? Freshmen? " Tanong ng isang matandang lalaking de-salamin sa labas ng naka-assign sa aking room. Nahuli na pala ako dahil sa pagdaan ko sa Orphanage.
Inilipat ko ang hawak kong folder sa kabilang palad ko at inayos ang nakasakbit kong bag. Tumango ako sa kanya, hindi pinapansin ang mga taong nagpapansin sa loob ng classroom.
" Yes, sir. I'm sorry I'm late. Kayo po ba si Mr. Buenevista? " Pinagsalikop niya ang dalawa niyang kamay at saka nagbaba ng tingin sa akin. Tumaas ang mga kilay niya at tumango nang hindi umiimik.
" Okay. We still have here Ms. Julia Montes to start your new deep journey in college. And since you're late, you get the vacant seat on the corner of the room! " Tumaas ang kanyang boses hindi tulad ng inaasahan ko. Muntik ko ng mabitawan ang folder ko sa gulat ngunit sinalo iyon ng lalaking nasa tabi ko. Nakatayo pa rin ako sa unahan at hinahanap ang magiging upuan ko sa likod.
" Aaah, sayang! " Bigong tikhim ng isang grupo ng mga kalalakihan sa unahan ni Mr. Buenevista. Tumititig pa sa akin ang isang mukhang manyak na kasamahan nila kaya inirapan ko siya sa harap ng lahat. Ugh, eww!
" Hahaha.. di ikaw ang tipo niyan, Elmer! Mukha ka kayang adik! " Halakhak ng lalaking proud na proud sa kanyang nakataling buhok sa likuran, sinapak siya nung Elmer kaya natigilan. Tss, pare-pareho lang silang mukhang adik.
" Enough with your nonsense, Mr. Elmer del Valle! " Natahimik ang lahat sa paghampas ng kamay ni Mr. Buenevista sa white board.
" I am to be your first subject the entire semester kaya ngayon pa lang sinasabi ko ng hindi ako mabait pagdating sa oras ng klase ko. " Pahayag niya sa isang matigas na tono.
Ibinaba ko ang bag ko sa upuan at ginawang komportable ang sarili sa kabila ng boring na klase.
" So, as we started to the Fundamentals of Accounting part 1, I need you all to..." Blah blah blah. Tumunganga ako doon buong oras. Malaya kong pinili ang kursong ito ngunit bakit parang hindi pa rin buo ang loob ko sa eskwelahang ito? Marami kami, kaso hindi pa rin ito maiihambing sa mga Unibersidad na kilala ko sa Maynila. Bago pa lang naideklarang University ang eskwelahan kaya marahil hindi pa ito gaanong kilala.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...