MBT 7

279 18 2
                                    

Isang linggo. Isang linggo akong binabalewala ni Crown at hindi pinapansin ng dahil doon sa nangyari. Ipinaalam niya na rin sa kanyang mga magulang na wala na sila ni Ken kaya wala ng iba pang problema. Masaya ako dahil pumapasok na ulit siya sa klase at unti unting nagiging active ngunit sa kabila nito ay iyong malamig na pakikitungo niya sa akin.

" Crown, uh.. hindi agad ako makakauwi mamaya dahil kailangan ko pang tumulong sa paglilinis ng Museum. " Paalam ko kay Crown, umasa akong sa puntong ito ay sasagot na siya dahil nasa harap kami ng marami ngunit nag iwas lang siya ng tingin.

Isang oras ang nakalipas at ngayon ay papunta ako sa Museum upang tumulong sa mga Department officers sa paglilinis nito. Suminghap ako bago pumasok sa loob.

" Julia, late ka na, kumuha ka ng floorwax sa bodega at nang mapunasan na ang sahig. " Istriktong utos ni Ma'am Gonzalez bilang siya ang inatasan sa lugar na ito.

" Y-yes Mam " Nagmadali akong tumungo sa bodega at sinimulan ang paglalagay ng floorwax sa malinis ng sahig. Marahil kanina pa sila narito dahil sa maayos ng paligid.

" Julia, dahil huli kang dumating ikaw na ang tumapos sa pagflofloorwax ng sahig ..at kayo, pwede na kayong umuwi! " Ani Mam habang hinahawi ang mga dala niyang gamit sa lamesa.

Nagsimulang mabuo ang ingay sa buong paligid sa masayang tugon ng mga kilalang officers ng bawat department. Hindi ako maaring umuwi dahil nahuli ngunit mas higit pang rason ang tunay kong responsibilidad bilang iskolar ng eskwelahan.

" Oh siya, ikaw na ang bahala dito huh. May pupuntahan pa ako kaya ikaw na ang maglock ng room. " Dagdag pa niya. Ngumiti ako at tumango. May magagawa pa ba ako?

Pinanood ko hanggang sa tuluyang maglaho ang mga natitirang tao sa labas. Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagbubunot ng sahig. Inalis ko ang pony tail ko sa aking kamay at itinali ang mamasa masa kong buhok dahil sa pawis.

" Oh Lord, hanggang kailan po ba ako magiging tagalinis ng bawat sulok ng classroom sa iskwelahang ito?! " Sumandal ako sa sementadong dingding ng Museum ng makaramdam ako ng pagod buhat sa pagbubunot sa malawak na kwarto. Dating classroom ang kwartong ito ngunit mas malawak ito sa normal na sukat kaya naman ginawa nila itong isang museum kung nasaan nakalagay ang mga antique na kagamitan.

Hindi ko namalayan ang sarili kong nakatulala sa pagkagat ng dilim. Nanatiling bukas ang pintuan kaya naman damang dama ko ang bawat pagpasok ng malamig na simoy ng hangin.

" Wala ka bang balak umuwi? Julia, gabi na.." Napatalon ako mula sa kinatatayuan ko sa pagsulpot ng lintek na Daniel.

" Andito ka? Anong ginagawa mo dito? " Iyon lang ang nakayanan kong itanong sa nagkabuhol-buhol kong isipan.

" Sinusundo ka? " Nakangiwi niyang sagot at tanong. Kumunot ang noo ko at napangiwi pabalik. Nabingi yata ako dun a!

" Huh? " Halos pumiyok ang boses ko.

Ano ba! Ang landi ng isip ko! Sinabihan lang ng walang kwentang salita humahataw na agad ang bawat parte ng sistema ko? I don't think this is a bright idea.

" Gabi na, hanggang anong oras ka ba uuwi? " What?

" Ano ngayon? Wala kang pakialam kahit umuwi pa ako ng madaling araw o dito na ako matulog! ..tabi dyan! " Utas ko ng makarating na ako sa direksyon niya. Nagpatuloy ako sa paglalampaso ng sahig.

" Bilisan mo! Gabi na, dapat ka ng umuwi! " Umirap ako sa boses niyang tila nag uutos.

Nagpatuloy ako sa paglalampaso hanggang sa lumitaw na ang makinis at kumikislap na sahig. Huminga ako ng malalim ng maabutan ko ang mala-boss na si Daniel habang nakaupo at nakataas ang paa sa center table ng lumang upuan.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon