Ang Simula
Winggg! Tunog iyon ng nakakabinging videoke sa tuwing sinisimulan itong buksan at patunugin.
"Aaahh! Shit! Ang aga aga... videoke na naman... Nakakainis! "
Grr.
Parati na lang ba akong mahuhulog sa kama every morning? Aba namany. Kapag nadislocate 'yong spinal chord ko. Magdudusa sila! Hay nako.
Ganyan na lang palagi ang eksena sa tuwing dadating ang umaga. At hindi ko pa rin makuhang masanay sa nangyayaring ganoon araw-araw.
" Hay nako, Julia. Hindi ka ba napapagod? Araw araw mo na lang nasasabi ang linya mo na yan... hindi ba sabi ko naman sayo, itong boarding house natin katabi ng karenderia which means normal lang na umaga pa lang dina-dayo na yan ng mga maglalasing. " Basag. Alam ko rin na sa bawat pagrereklamo ko ay nariyan ang kaibigan ko upang mangatwiran at pangaralan ako.
" Okay. Tara na! malalate na tayo! " Pinutol ko ang salitang nagbabadyang lumabas sa kanya.
Childhood friend ko si Crown. Oo. Seryoso. Crown talaga ang ipinangalan sa kanya ng mga loko loko niyang magulang. Diba naman. Ang laking pang-iinsulto nun! Everytime na lang na tatawagin siya sa pangalan niyang Crown Princess Dimasupil. Nasusuka 'yong mga nakapaligid sa kanya. Echos lang. Maganda siya pero mas angat ang kagandahan ko kaya di tuloy siya napapansin. Tapos. Lagi ko pa siyang kasama. And I feel sorry about that.
" Shet! Ang ganda ko talaga! " Pamumuri ko sa sarili habang sinusuklay ang buhok kong medyo curly ang dulo sa salamin ng cr sa aming school.
" You're out of your mind, skanky girl! How can you be so confident about yourself? There's nothing special about you and I doubt Enrique's feelings for you. " Kathryn Bernardo interrupts as she comes out of the cubicle.
I make face and scowl at her. She is the one I think who's skanky.
" I guess you're not offended, are you? ...Maganda ako. At mas maganda pa sa pinakamaganda! " Totally, Diyosa! Buwelta ko saka tuluyan lumayo sa mga nagsilabasan tipaklong sa cr.
She cannot win over me, I bet. I am a cranky inborn but not a bitchie type.
Umupo ako sa isang bench sa hallway habang hinihintay ang balasubas na si Crown. Natapos na ang limang subjects kaya puwede na kaming kumain ng tanghalian.
" Woa. Seryoso ba itong nakikita ko? Ang Sadistang Creature ng West High umiiyak? Nagprapraktis ka ba para sa upcoming audition ng replay para sa Romeo n' Juliet? " Pamimilosopo ni Crown nang abutan niya akong lumilipad ang utak sa malayo.
Iniangat ko ang ulo ko para makita siyang nakangisi sa akin. As usual. Marahil nakuha niya ang oras na ito para gantihan ako dahil sa palagi kong pagtataray sa kanya.
Suminghap ako.
" Alam mong hindi ako marunong umiyak, bobo! " Pagtataray ko pabalik sa kanya. Hindi ko na naiisip kung nasasaktan ko siya, malamang immune na siya sa ugali ko.
" Hoy huh, kina- career mo na ang pag-angkin sa lahat ng crowns dito sa school. Ikaw na ang 'West High Queen' kukunin mo pa ang role ni Juliet? Uso ang sharing, bae! " Bumalik ang mapang-asar na tono sa boses niya. Umupo siya sa tabi ko.
" Wala akong balak angkinin ang role ni Juliet. Masyado ng hectic ang schedule ko para dyan sa cheap na play na yan baka mamuti na lang ang buhok ko hindi ko pa natatapos ang lahat. Saka gusto kong ipaubaya ang kahit konti sa umaapaw kong achievements kay Kathryn. Naawa ako sa kanya. She's trying to push herself on top but she can't. You know her. Baka maglaslas pa yun. " Hinintay ko ang reaksyon mula kay Crown ngunit wala akong natanggap. Natahimik siya.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...