MBT 22

216 20 3
                                    

Ibig bang sabihin nito, sa tuwing kakausapin ko siya kailangan ko na munang magrehearse ng sasabihin. Ngayon ko lang nakuhang matameme sa isang lalaki. Wtf.

" Nasan ba notebook mo? " Sabi niya sa isang malamig na tono.

" May kopya ako pero wala akong module doon sa lesson nila noong umabsent tayo. " Katwiran ko. Hindi ko alam kung paano ako aasta sa bawat ibinibigay niyang reaksyon.

Umismid lang siya at inabot ang bag niya mula sa likod.

" Finally! Thank you, DP. " Masaya kong banggit ng makalimot sa tunay na estado namin ngayon.

" I need that back tomorrow, immediately. " Napalunok ako sa seryoso niyang mukha.

" No problem. I assure you. " Paalam ko at mariing kinagat ang labi ng tumalikod na siya sa akin.

So, that's it. That's how are meeting ends, hopefully, not our friendship at least.

" Landi landi everywhere.. " Boses ng isang babae sa likod ko.

" Ang kapal pala talaga ng babaeng 'yan. Imagine, nakuha pa niyang mangahas kausapin ulit si Daniel, e, binantaan na nga ng magulang? Psh. " Komento pa ng isa sa grupo ng mga kababaihang nakatambay sa haligi ng hallway.

Umiling-iling ako sa mga nasagap kong balita.

" Baka desperadang makapera ulit, remember Kath says..? " Doon ko pa lang nakumpirma ang mga sumbong at ibinahagi ng mga malalapit sa akin na sina Jaymie at Kate. So, it's effin true. It is Kathryn who stabbed me by my back.

Fine, I am the gold digger here. Just this time. Coz she will get her own time in the future to bloom in her own lapse, too. Harder as I've got.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang lahat. Umuwi ako sa bahay na busog sa tsismis at komento ng mga tao sa school.

Nainis ako ng matagpuan ko ang dakila kong kaibigan na masayang nakikipagkwentuhan sa dati niyang bestfriend na muling nabuhay at sa kwarto pa namin. Oh, they now recover everything from their trashy friendship. Nice.

Minsan naiisip ko kung naalala pa kaya niya ang presensiya ko. Alam kong dapat akong maging masaya dahil sa wakas ay maayos na sila ng dating mortal enemy niya, at least hindi man maging posibleng magkaayos kami ng dati ko rin kaibigan na si Kathryn pero sila ni Alicia ay nagtagumpay pa rin sa huli. I should have be glad for her, but I can't.

For a reason, I stay calm and easy through the days upon everything. No one else bear to be around me, it's only my closest friends and Crown so I can't let her vanish as easy as my properties.

" Uhm.. anong sinabi sayo nung babaeng huminto sa harap mo kanina? ..parang narinig ko kasi 'yong pangalan ko. " Pangongonsulta ko sa isang chinitang babaeng saktong napadaan sa harap ko habang nakaupo ako sa bench.

Mariin ko siyang tinignan ngunit ni hindi niya ako matignan ng maayos sa mata.

" W-wala 'yon, Julia. " Hinanap ko ang mata niya at naalalang ito ang isa sa mga desperadang makasama ako sa isang school activity noon. Noon. Marahil ay dahil sikat pa nga ako noon ngunit ngayon hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Para akong isang nalalantang halaman na uhaw sa atensyon ng lahat, ng atensyon niyang dati'y palaging kabuntot sa akin.

Suminghap ako bago nagsalita.

" Sandali lang, narinig kong nabanggit niya ang pangalan ko at kahit ang pangalan ni Daniel ay kasama din. Bakit, ano 'yon? "

Namuo ang kaban ng hiya sa mukha niya at batay sa ipinakikita niyang reaksyon ay hindi niya inaasahan ang pagdulog ko. Hinintay ko ang sagot niya. She cannot avoid me, I am so over with their mean reactions.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon