MBT 32

189 16 3
                                    

Iminulat ko ang mga mata ko at tila baga ako'y lasing na lasing sa pagtulog. Ang bigat ng mga mata ko, namaga na yata ito kaya hindi ko ito maimulat ng maayos. Kinuha ko ang unan kong nalaglag at itinakip sa mukha ng marinig ang mga yapak ni Crown. Wala siyang alam sa nangyari ngunit natatakot akong may malaman pa siya. Sigurado akong magpapaparty siya kapag nalaman niyang ako na mismo ang kumawala kay Daniel. He wants him, more than anyone else.



Umikot ako galing sa paghiga at naramdaman ang sobrang pagkabalda ng katawan ko. Para akong binugbog ng isang katerbang kalaban. Mabuti pa yata iyong binugbog kaysa ang masawi sa ngalan ng pag-ibig, walang katulad ang sakit. Katulad ito ng isang lason na unti-unting pinapatay ang katawang-lupa mo. At hindi mo na mapipiglan pa dahil hinayaan mo na lang itong kumalat, wala kang ginawa para makatakas.



Tamad na tamad akong bumangon at pasimpleng hinawakan ang cellphone. Dapat ko ng simulan ang tumigil sa pag-asam na magpaparamdam pa siya sa akin. I let him go, now I deserve the pain.


Enrique:


Morning :) Eat your meal. Kamusta na ang pakiramdam mo?


Shit. Anong ginawa ko kagabi? Tinapon ko sa paanan ang unan at napaisip. Umupo ako.


Enrique:


I am your friend. You can talk to me. Don't overthink.


Pambihira! Niyakap ko ba siya? So, totoo nga, hindi iyon panaginip. Hindi panaginip ang lahat. Letche. Nakatsansing ang lalaking 'yon. Grr.


" Mauna na ako ng school. I still have to comply my thesis. May kailangan ka ba? " Kumunot ang noo ko kahit hindi ito nakikita ni Crown. Anong nangyari, nakaramdam siya ng awa? Tss. Baliw na yata ako para isipin 'yon. Hush.


Umiling-iling ako sa ilalim ng unan bilang pagtanggi. Wala akong kailangan ngayon. Mamatay ako kapag sinabi ko ang totoo na siya ang kailangan ko.


Bumangon na ako mula sa kama at pilit na kinumbinsi ang sarili upang makapasok. Lunes na ngayon, sa biyernes na ang Graduation kaya paniguradong mamadaliin na ang lahat. Hindi ako aabsent, hindi ngayon.


" Hello, ate? Kamusta na si Mama? " Bungad ko ng mapatawag si ate. Pinilit kong huwag maging malungkot at balisa ang boses ko.


" Oh, sa friday na pala ang graduation niyo? Mabuti naman, pasensya ka na, ayaw kasi talagang magpa-ospital ni Mama hanggat wala ka pa dito. Julia, pagkabakasyon niyo, umuwi ka na agad,huh. " Malumanay at walang bahid ng kahit anong pagkadismaya ang boses ni ate hindi tulad noong mga nakaraang araw sa tuwing nagtetext siya. Naibsan ang mabigat na bagahe sa pakiramdam ko.


" A-ate.. " Hindi ko masabi. Natatakot ako na baka paghiningi ko ulit sa kanila ang bagay na ito ay mag-iba ulit ang aura niya sa akin. Ito na lang ang pinanghahawakan ko ngayon, iyong akin talaga, ang pamilya ko. Pero ang sakit tanggapin dahil maging sila ay hindi tunay na para sa akin.


" Ano 'yon, Julia? May sasabihin ka ba? Mauubos na itong load ko. " Aniya sa isang normal na tono. Nagkaroon ng bato sa lalamunan ko. Oo, tanggap ako ni ate, maayos niya akong pinakitunguhan noong umuwi ako noong December pero paano kung ayaw niya lang ipakita kay Daniel na hindi niya pa rin ako matanggap? Iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Naging masaya si ate noong dumating raw ako sa buhay nila ngunit noong mabuntis siya, puro galit at pagtatakwil na lang ang ipinapakita sa kanya ni Mama kaya ang nangyari ako iyong pinagbuntunan niya ng galit. Hindi ko siya masisi kahit wala naman talaga akong kasalanan dahil hindi naman ako tunay na parte ng pamilya. Lalo siyang nagtanim ng galit sa akin noong malaman niyang mag-aaral pa rin ako sa kabila ng paghihirap namin noong bumalik sila ng Pampanga.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon