MBT 54

112 11 1
                                    

MAYROON PA BANG NAGTITIYAGA SA ISTORYANG ITO? ...SAGOT! HAHA KIDDING. IGNORE TYPOS:]



Proceed...

Dalawang oras ang nakalipas, nagmadali akong lumabas ng bahay upang hagilapin ang hospital kung saan dinala si Angela Yu. Hindi ko alam ngunit tila hindi na yata ako mapapanatag hanggat mayroong banta sa mga buhay namin. Kailanman ay hindi na ako lumaya sa mga problema pati ba naman buhay ko damay na rin ngayon sa sugal. Hindi ako makakapayag, kailangan ko siyang makausap ng matino, ng masinsinan.


" No, I'm not. Please, I really have to talk to her! Buhay ng pamilya ko ang nakataya dito! " Hindi ko nakontrol ang lakas ng boses ko dahil sa inis na nangingibabaw sakin.


" Ma'am, sorry po pero hindi pa po kami pwedeng magpapasok ng bisita sa loob hanggat wala pa rin sa kondisyon ang pasyente. " Mahinahong pangungumbinsi ng nurse sa akin. Bahagya akong bumuntong-hininga at napatingin sa maingay na corridor. Naririnig ko ang hindi normal na pagsasalita ng mga pasyente doon ngunit gusto ko pa rin magbaka-sakali.


" Miss, trust me.. she's not that schizophrenic. She's still good I know. " Hindi ako tumigil sa pakiusap sa kanya hanggang sa dalhin niya ako sa isang weirdong selda kung saan halos mabingi ako sa katamikan ng paligid. Nakakapagtaka dahil sobrang nakakabutas ng tainga iyong mga ingay galing sa ibang selda ngunit dito animo'y multo ang tumitira.


" Miss, sure ka bang nandito siya? " Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong nakitang Angela Yu sa kahit saan. Maliit lang ang selda kaya madali iyong mapansin. Hinarap ko ang nurse na kasama ko.


" Ma'am, sa labas na lang po tayo maghintay. Pwede po kasing nasa evaluation office siya ngayon kaya wala siya dito. " Untag ng nurse sa akin. Tinignan ko ang paligid at muling sinuyod.


Wala akong nagawa. Dalawang oras pa akong naghintay ngunit walang Angela Yu ang nagpakita sa akin. Mas lalo akong pinanghinaan ng loob. Kailan ba ito matatapos?


" Ma'am Julia.. nakabalik na po siya. Gusto niyo pa rin po b-"


" Yes, please. " Sagot kong agad nagpataas ng balahibo sa aking braso. I don't think I'm ready but I will. Miserable things must come to an end.


" Hey, you alright? " Hindi na ako napakali simula nang makalabas ako sa hospital at napagtanto ang mga sinabi ni Angela Yu. Palagay ko'y malapit na akong masiraan ng bait sa lahat ng kailangan kong harapin.


Tinignan ko sa mata si Enrique at tumango.


" You sure? You look-" Kumunot ang kanyang noo ngunit nagtaas ako ng isang kamay bilang sagot. Maya-maya pa ay inusisa na niya akong mabuti kaya napatayo ako at agad nagpaalam sa kanya.


Tatayo pa lang sana siya ay umiling na ako. " Don't. I just have to do something for myself. " Saad ko. Alam kong magagalit siya sa oras na malaman niya ang ginawa ko kanina kaya hindi ko na iyon kailangang ipaalam pa.



" Pwede ko po ba kayong makausap? " Panimula ko sa isang normal na tono. Inilapit ko ang aking upuan sa kanya.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon