MBT 40

171 14 5
                                    

a/n: Medyo complicated ang grammar ko ngayon. Kulang sa inspiration e.


DEDICATION: Charish_Julniel08


-



Mabilis akong tumakbo palabas ng kabilang pintuan habang nakayuko sa bawat hanay ng mga gulong. Rinig ko ang mga yapak ni Ench sa likuran ko ngunit di ko pinansin ang pagtawag niya sakin. Kailangan kong makaalis dito ngayon na mismo!



" Julia, bakit? May ginaw-" Kinukuha niya ang braso ko ngunit pilit ko iyong tinatanggihan.



" Kita na lang tayo bukas. " Lumabas ako sa kalsada. Hindi ako pwedeng maabutan dito nila Enrique. Kung paano niya ako natagpuan pagkatapos ng lahat ay hindi ko alam, kasama niya ang sinasabi niyang kaibigan niyang si Joseph Marco at sa palagay ko'y may pinapaayos sila sa kanilang sasakyan.



Nakalayo ako sa shop at mabilis na lumiko sa isang eskinita. Ngayon lang ako makakadaan dito kaya hindi ko gasinong kabisado ang daan. Maraming nakaagaw ng atensyon ko ngunit hindi ko man lang sinubukang tumingin sa mga mata nila.



" Julia! " Napatalon ako sa aking paglalakad nang umalingawngaw ang boses ni Enrique sa makipot at kulong na eskinita. Hindi ako tumigil bagkos ay kumaripas ako ng takbo at naisipang magtago sa isang kulong na kanto.




Napasandal ako sa dingding ng gupok na bahay at inihilamos ang dalawang kamay sa mukha. Bwiset!



" Oh, miss, sinong tinataguan mo? Boyfriend mo? ..huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin. Ba't di ka muna tumagay ng isa.. " Pumikit ako ng mariin sa loob ng mga kamay ko. Shit! Hindi ko napansin na may nagaganap pa lang ganito kanina. Huli na ang lahat, tatakbo na sana ako palayo nang agawin ng isang matandang lalaki ang braso ko. Nagpumiglas ako.



" Bitawan niyo ako! Manong, h-hindi po ako.." Hinihila ko ng buong lakas ang kamay ko ngunit masyado siyang malakas. Napalunok ako sa pagtayo pa ng ilang kainuman niya sa may mesa. Peste. Hindi ako pwedeng mabilog ng mga ito!



" Huwag! Hindi po ako umiinom niyan! " Nagpupumiglas ako sa basong dumadait sa labi ko. Hawak ako sa balikat ng dalawang matanda habang pilit na ipinapainom sa akin ng mas batang lalaki ang isang baso ng alak. Kita kong nalunod na sila sa alak kaya walang epekto ang mga pakikiusap ko.




" Ano ba 'yan.. " Lumipad ang mata ko sa ungol ng isa pang matanda sa sulok ng mesa. Nakalugmok na siya dahil sa sobrang pagkalasing at dumadaing siya sa ingay na dala ko.



" Papa? " Tumigil ako sa pakikipaglaban nang umangat ang ulo ni Papa mula sa maduming mesa.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon