" Daniel, wag! Huwag mo akong iiwan.. nagawa ko lang naman 'yon dahil.. dahil kailangan. Hindi sa ayaw ko sayo, " Hindi ko mawari kung nasaan lugar ako ngunit ang sigurado ko lang ay kasama ko si Daniel at pilit niya akong pinalalayo sa kanya. Humakbang ako palapit sa kanya at sinubukan hawakan siya ngunit umatras siya sa akin. Tinignan ko siya sa mukha ngunit nakakapagtakang binabalutan ito ng madilim na bahagi ng paligid. Hindi ko maaninag ang mukha niya maliban sa mga mata niyang puno ng kalungkutan.
" Daniel please.. " Sa bawat hakbang na nagagawa ko ay tila lalo siyang lumalayo sa akin at unti-unting nilalamon ng kadiliman ang kanyang pagkatao.
" Julia.. how could you do this to me? " Pumatak ng hindi inaasahan ang luha sa aking mga mata.
" Patawarin mo ako. " Nasabi ko.
" Mam. Mam. Andito na po tayo Mam sa terminal.. " Sa sandaling iminulat ko ang aking mga mata ay tila naguluhan ako sa kakaibang paligid na kinaroroonan ko.
Panaginip. Iyon ang kakaiba at misteryosong pangyayaring bumalot sa akin kanina. Ano iyon? Bakit ganon ang napanaginipan ko? Anong lugar 'yon, bakit masyadong misteryoso?
Hanggang sa makauwi ako sa boarding walang ibang umokupa sa isipan ko kung hindi ang nakakalokang panaginip na iyon kanina sa bus.
" Mamaya na lang tayo mag-usap, matutulog na muna ako. " Giit ko sa kanina pang excited na si Crown. Pagod ako, at dahil tinatamad ako wala ako sa mood upang makipagtalastasan sa tsismosang ito.
Nakatulog ako ng isang oras at ng magising ako ay wala na sa bahay ang presensiya ni Crown. Binuksan ko ang cellphone ko at nakita doon ang isang text.
Crown:
Nauna na akong magsimba sorry. Birthday kasi ni Mami.
Linggo na nga pala ngayon. Ibinalik ko ito sa side table at bumalik sa higaan. Hinayaan ko ang sarili kong linawin ang lahat ng mga nagdaang pangyayari bago naisipan kunin ulit ang cellphone.
Ako:
Hoy. Anong oras ang practice?
Pinindot ko ang number ni Enrique at nagdalawang isip kung isesend ko ba ito o masasayangan sa load.
Enrique:
Anong oras ka dumating? Pupuntahan kita dyan sa boarding.
Aba. Ano daw?
Nanlaki ang mata ko sa ipinadala niyang text. Langhiya. Bukod sa nakakabobo niyang sagot, ang lakas ng loob niyang sabihin pupunta siya dito. Nakadrugs ba siya? Sinong matino ang magereply ay pareho rin tanong?
Ako:
Sabi ko. What time ang practice hindi pumunta ka dito!
Tanga ba siya? Ang sarap lang sapakin ng isa. Grr.
Bumangon ako sa kama at dumaretso sa banyo. Nagdesisyon akong linisin ang buong bahay sa kabila ng katamaran ko. Hindi ko alam kung bakit noong nagpaulan ng katamaran ay basang-basa ako, ayan tuloy.
" Woah. Ano naman ang naisip mo at naglilinis ka ngayon? " Pang-aasar ni Crown ng makauwi na siya galing sa pagsisimba. Suot niya ang isang dress na binili namin noon sa isang boutique at di ko mapigilan mapangiti sa ganda ng fitting nito sa kanya. Tight purple dress with perfect hemmings in each arm hole.
" Wow. Para mo na rin sinabing ang tamad tamad ko.. samantalang ikaw itong hindi man lang naglilinis noong wala ako! " Sumbat ko at iniwan ang walis sa may hagdan ng tumunog ang cellphone ko.
Ate Lizette:
Nakarating ka na ba? Ang sabi ni Mama huwag ka raw magpapakapagod lagi. Ingatan mo ang sarili mo.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...