PROLOGUE

1.7K 43 12
                                    

This story is a work of a fiction.

PROLOGUE

 

 Ang lahat na yata dito sa mundo ay hindi permanente, dahil ang mayaman hindi mananatiling mayaman, maaring bukas, makalawa,  isa na rin siya sa mga naghihirap na masa.

Ang mahirap yumayaman.

Ang kaibigan ay tumatagal ng habang buhay pero kadalasan hinde.

Ang pag ibig lalo ng hindi. Anong tawag ko dun sa mga ikinakasal that lasted forever?

Ang kagandahang taglay ninuman ay kumukupas.

Ang 'di nabiyayaan ng lubos na kagandahan ay dumedepende na lamang sa retoke.

Ang nerd gumaganda minsan lumalala pa at kung makapag-mura wagas pa.

Kahit ang ugali nagbabago, tunay naman.

Ang mabait nauubusan na rin ng pasensya dahil sa mga umu-usong pambabara at pamimilosopo.

Ang tahimik nagiging madaldal.

Ang mga nabroken hearted gumaganda at nagiging palaban.

Ang mga dating api bumabangon.

Ang mga sawi sa pag-ibig natututong mag ayos ng sarili.

Ang badboy bumabaet.

At ang good girl nagiging sadista.

Kahit ang noon ay palaban tumitiklop din.

Lalo naman sa buhay natin, dahil ang lahat ay may katapusan!

At buong puso kong paniniwalaan ang lahat ng kasabihang 'yon? kulang na lang ay gawin ko iyong note sa alarm ko everytime.

Napakahirap kasing umasa lalo na kung alam mong wala na, tapos na at hindi na pwede! Wala ngang permanente diba!

 Note:

Guys! First and foremost, ignore every typos, wrong grammar and even the frivolous plot.

Thank you.


Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon