MBT 45

151 16 4
                                    


Nang gabing iyon, ilang beses niya akong tinanong kung saan ako ibaba pero sa kasabikan kong makasama siya ay palagi akong tumatanggi at ibinabaling sa iba ang usapan kahit ang totoo'y wala naman siyang pakialam.



" I'm going home. Wala ka bang balak bumaba? " Tanong niya habang inililiko ang sasakyan niya sa isang pamilyar na lugar. Lumipat ang tingin niya sa akin sa may salamin.



" Matagal ka na pa lang nakauwi? " Itinagilid ko ang ulo ko.



" I just arrived this morning. I'll drop you off at the coffee shop. " Iritado niyang sambit. Bumaba ang tingin ko sa manibela at nakita ang kamay niyang mahigpit na nakakapit dito. May kung ano sa sistema ko ang gumuho at nabigo.



" O-okay. " Bakas ang panlalamlam sa boses ko.



Inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang coffee shop at kusa akong bumaba mula sa kanyang likuran. Hindi man lang siya nag-abalang ihatid ako sa loob. Isinarado ko ang pinto at yumuko ng makaalis na siya. Kinagat ko ang ilalim ng labi ko.




" Hey, miss. What a wonderful time, you alone? " Nilapitan ako ng isang di ko kilalang lalaki at nagpanggap akong hindi siya narinig. Itinaas ko ang kamay ko at nakitang ilang minutos na lang ay alas dose na. Bahagya akong nawala sa sarili nang maalala ang nasira kong party, ang party'ng ilang araw namin pinaghandaan, ang party'ng para sa buong angkan ko. Mariin akong pumikit.



" Do you want having a good time with me, girl? " Napatingin ako sa kanya at pinagtaasan ng kilay.



" Get off me! " Banta ko sa isang galit na tono. Hindi siya natinag, nagawa pa niyang ngumisi at hawakan ang beywang ko. Itinulak ko siya. Tatalikod na sana ako nang matumba ang lalaki sa lakas ng suntok ni Daniel sa kanyang panga. Nanlaki ang mata ko.



Magsasalita pa lang sana ako ngunit itinulak na niya ako sa loob ng sasakyan. Galit siyang umikot sa harapan. Katabi ko na siya ngayon kaya hindi ko mapigilan ang pagdalaw ng kaba sa akin.



" Sorry. Ibaba mo na lang ako sa harap ng mall, doon ako sasakay pauwi. " Hindi ko alam kung may maabutan pa ba ako sa Softcircle ngayong hating gabi na pero susubukan ko pa rin. Sigurado akong alalang-alala na sila ngayon.



" You're not going anywhere. " Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya iyon.



" Is this your frigging life now? All boys turned out to be obsessed with you! " Umalingawngaw ang boses niya sa loob ng sasakyan. Hinampas niya ang manibela at nangatog ang tuhod ko.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon