MBT 15

265 18 1
                                    

Nang gumising si Mama ay laking gulat niya nang matagpuan niya akong nakaupo sa tagiliran ng kama niya. Nagpumilit siyang bumangon upang yakapin sana ako ngunit hindi ko na siya hinayaan. Isang oras din kaming nag-usap at nagpalitan ng mga kwento tungkol sa mga nakalipas na pangyayari. Dumating si ate galing sa pagbili ng gamot at napatalon ako mula sa kinauupuan ko ng pumasok siya kasama si Daniel. Watdapak.

" A-ate.. "

" Ikaw talaga, Julia. Bakit hindi mo man lang siya pinapasok? " Aniya.

" Ayaw niya. Bakit ko naman siya pipilitin? " Sumbat ko at umiwas sa malagkit na titig ni Daniel. Tumalikod ako upang ayusin ang mga kalat sa side table.

" Hindi mo ba siya ipapakilala, anak? " Untag ni Mama at hinawakan ang dibdib upang umubo.

" Uh.. " Humarap ako sa kanilang tatlo.

Maayos kong ipinakilala si Daniel kay Mama tutal ay kilala na siya ni ate. Nagbatian ang dalawa at laking pasasalamat ko na naging maayos ang daloy ng pag uusap namin sa kabila ng presensiya ni Daniel sa may upuan sa kabilang side. Sinimulan ni ate ang panunukso sa akin sa kay Daniel at pati si Mama ay nakakanibagong tumatawa rin habang tinatanong ako kung bakit kasama ko itong si Daniel. Masaya ako, hindi dahil sa panunukso nila kundi sa sayang nakikita ko sa mga mata ni Mama ng makita ako.

Suminghap ako at bumaling sa unti-unting pagsikat ng araw mula sa puting kurtina ng bintana. Muling nagsalita si Mama na ngayon ay nakasandal na sa wall.

" Anak, ano kaya kung umuwi na muna kayo nitong kaibigan mo? Halatang pagod kayo at saka naka-uniform pa kayo anak, magpalit na muna kayo, kumain at nang makapagpahinga kayo, saka na lang kayo bumalik dito mamaya, andito naman ang ate mo? " Saad ni Mama.

Napatingin ako sa kay Daniel na ngayon ay halos nakahalumbaba na sa may side table sa kabila. Natawa ako sa hilaw na hitsura niya at sa posisyon niya ngayon.

" Okay lang kami, Mama. Hayaan mo na siya dyan. " Wala sa kamalayan ko ang naging sagot ko.

" Sabi mo nga malayo 'yong naging biyahe niyo kaya sige na.. hindi ka ba naawa dyan sa personal driver mo? Umuwi na muna kayo.. " Giit ni Mama. Muli kong pinasadahan ng tingin ang hitsura at kalagayan ngayon ng nakaidlip na si Daniel at inalala ang mga ginawa niya para sa akin. Tama si Mama. Pagod at mahina siya ngayon dahil sa kagagawan ko.

Wala na akong nagawa kundi tumango at sumunod. Ayaw ko rin naman ng gyera sa ngayon kaya chill chill lang muna. Ginising ko si Daniel at sa una'y umaangal pa siya ngunit nagising rin nang pasimple ko siyang sikuhin sa likod.

Hinatid kami ni ate sa labas ng parking lot.

" Teka lang, ate si Papa? Nandoon ba sya ngayon? " Tanong ko bago kami umalis.

" Hindi malabo, wala naman syang ibang pupuntahan diba. "

Sabagay, pero ang tanong, ano kaya ang maabutan ko sa bahay, beer pa rin kaya? Sana naman hindi na.

" E si Andreo? Kamusta na? " Tanong ko kay Ate.

" Nandoon sa bahay, mabuti nga at walang pasok ang kuya Alfred mo kaya siya na muna ang mag aalaga kay Andreo." Bitaw niya. Si kuya Alfred ang asawa ngayon ni ate at siya ang umako sa naging unang anak ni ate.

" Uh, sige Ate. Uuwi na muna kami sa bahay. Ikaw na ang bahala kay Mama saglit. " Pamamaalam ko at pumasok na rin siya sa loob.

" Uuwi ba tayo sa bahay niyo? " Untag niya. Nag-angat ako ng tingin para sa kanya.

" Wala akong pera para patirahin ka sa isang condo kaya magtiis ka kahit ngayon lang. " Mahinahon ngunit may halong paguutos ang boses ko.

Huminga ako ng malalim ng hindi na siya nagsalita pa. Ayaw ko ng istorbo lalo na at kulang ako sa tulog. I effortlessly grab the human-sized teddy bear closer next to me and lean onto it.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon