EPILOGUE

229 12 4
                                    


" Quen.." Paos kong sambit nang magising ako sa kanyang tawag. 


" Really? ..o-okay, no problem. Magkita na lang tayo sa coffee shop. " Sabi ko at dumapa sa kama. Tumango pa ako at ngumiti na tila baga nasa harap lang siyang kausap ako.


" Bye.. " Paalam ko at biglang nanghina. Hindi ako nakagalaw at ilang segundong ininda ang kirot mula sa aking mga balikat. Napangiwi ako sa sakit. What the hell is happening to me? Bumangon ako at napaupo sa aking kama habang dinadama ang sakit sa bawat parte ng aking katawan. Napasinghot ako. 


" Where's Nanny Melba? " Pahirapan akong tumayo ngunit pinilit ko pa ring lumabas dahil sa matinding paghilab ng aking tiyan. 


" She's in a vacation. Why? Do you need something? " Napakamot ako sa leeg. 


" Ngayon pa talaga? ..wow! " Tinaasan ko siya ng isang kilay at saka tinalikuran. I'm so hungry! 


" Breakfast is ready, help yourself to the dining. " Sambit niyang muli. Napatingin ako sa kusina at halos humaba na ang leeg ko sa paghahanap ng pagkain. I feel pleasure the moment I grabbed a sandwich full with bacon.


" Please clean yourself after.. we're going somewhere. " Dumaan siya sa aking likuran upang kumuha ng tubig sa ref. Sumubo ako ng pagkain at binalewala ang kanyang sinabi. As if I'm going to let myself with you again tss. Wait, fuck! Humilab ang aking tiyan at halos mailuwa ko pabalik ang aking mga kinain. Tumakbo ako papunta sa sink at doon isinuka ang aking kinain.


" Mara, are you alright! " Sumunod siya sa akin at tinapik ng mahina ang aking likuran. Umubo ako at agad naghugas ng mukha. Natigilan ako. Ininda ko ang sakit mula sa aking tiyan. 


" Let me help you. Kaya mo ba? " Nakabalik lang ako sa huwisyo nang umugong iyon sa aking tainga. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat mula sa likod at nagsitindigan ang aking mga balahibo. I push them away.


" I'm fine. Where are we going? " Tanong ko upang makaiwas sa kanya. Tinignan ko siya mula paa hanggang ulo.


" Mara, you sure you're okay? " Pumasok ako sa kanyang bagong Cadillac at halos mapapikit sa sobrang bango ng amoy. Umupo ako sa likuran niya at dinama ang bawat sandaling iyon. 


" Don't worry, I'm fine. Saan ba natin susunduin si Kath? " Sagot ko. I feel relaxed and everything despite my arising illness. Ito na yata ang pinakamagandang lugar sa akin ngayon. Nanatili akong nakapikit. 


" We're here. " Untag niya at lumabas ng sasakyan. Napamulat ako at naabutan ang dalawang magkayakap sa labas ng bahay nila Kath. May kung anong tumagos sa aking dibdib. Napayuko ako. 


" I'm not feeling well today, hon. Sorry. " Sambit ni Kath pagkapasok niya ng sasakyan. Para akong nasamid at binatukan sa likuran. Hindi ako nakagalaw. 


" Did you take your meds, hon? " Tanong ni Daniel habang inaayusan niya ng seatbelt si Kath sa aking unahan. Kitang-kita ko kung paano inabot ni Kath ang munting labi ni Daniel at pinasadahan siya ng mabilis na halik. Natulala ako at halos manigas ako ng mga oras na iyon. 

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon