MBT 27

182 14 1
                                    

" Ma'am, believe me she's the only one behind this! In fact, kanina nakita kong inutusan pa niya ang dalawang estupida niyang galamay upang nakawin ang original CCTV footage ng cr kung saan nila ako kinulong. " Magkaharap kami ngayon ni Kathryn sa front desk ni Ma'am Apen habang siya ay matiyagang nakikinig sa amin.

Kumukulo na ang dugo ko at handa na akong kalmutin siya pero dahil nasa harap kami ng isang nakakataas na rango, magpipigil ako.

" Okay? So, you're saying na matapos hiramin ng kaibigan mong—"

" Ma'am, she's not friend! " Pagklaro ni Kathryn sa nagsasalitang Guidance Counselor.

" Whatever you call her. Siya, si Alicia ang tinutukoy mong nagpadala ng message sa inyong Instructor/Director na umaatras ka na sa play. Then, next you were telling na ikinulong ka ng dalawa sa cr. Is that it? " Batid ko ang naguguluhang tono ng counselor sa naging paliwanag ni Kathryn mula pa kanina. Ilang beses din akong umapila sa mga istorya niyang walang katuturan pero ani Mam Apen ay hintayin ko muna ang kanyang hinanaing. This is so unfair, all she's telling is nothing but a false statement. She's a ridiculous bitch.

" Right, Mam. She was the mastermind here, I knew it. Mainit ang dugo sa akin ng eskandalosang ito the reason why she plotted all of this, to ruin me. And she might be thinking she already won. " Nandidiri siyang nakatingin sa akin kaya mas lalo akong ginanahang patulan siya.

" You are crazy, Kath. Pwede ba naman 'yon. Hindi kayang gawin ni Crown at ng kaibigan mo ang mga pinagsasabi mo. Don't make an odd story. " Bawi ko. Nanliit ang kanyang mga mata at hinawi ang ilang hibla ng takas na buhok sa kanyang mukha.

Tumayo siya at sinugod ang dalawang kasabwat sa nasabing plano ko. Pinanood ko siyang dinuduro ang dalawa.

" Why don't you tell me the truth, you liars? Spill it. Tell us what she have told you.. don't be scared to her, she's nobody. " Matalim ko siyang tinignan at agad nanghinayang ng makita ko ang expresyon ni Crown. She knows I have no intentions like that, but why would I feel this way? Tila mayroong mangyayaring hindi ko magugustuhan. Galit siya sa akin. Hindi na ako magugulat kung pati siya ay ilalaglag ako. My friends usually drag me to hell. Sanay na ako, pero bakit hindi ko magawang matuto?

" Kath, please! They know nothing.. yes, sila nga ang nagpush sa akin na balikan ang role pero kailanman ay hindi nila magagawa ang mga bintang mo. Stop it. It is all your fault.. if you only have your discipline, you probably accomplished this thing! Hindi 'yong dahil naiwala mo, maghahanap ka na lang ng masisisi. Don't involve—" Hindi makatingin sa akin si Crown habang nilalaro niya ang kanyang mga daliri. Si Kath ay humalukipkip sa harapan ko habang hindi nawawala ang paniningkit sa kanyang mga mata.Umismid ako.

" Kathryn's right. Ikaw ang nag-utos sa amin ni Alicia upang sirain ang play, desperado kang makuha ang role. Iyan ang totoo. " Napaawang ang bibig ko sa kanyang naidetalye. Nakayuko siya ngayon at maging si Alicia ay nagulantang sa mga sinabi niya.

" See! I told you Ma'am Apen. May lahing demonyita ang babaeng ito. Nakakatawa dahil kailangan pa talaga niyang gamitin ang mga kaibigan niya upang magsinungaling. She really is out of her mind. " Umiling-iling siya habang nandidiring tinuturo ako. Gusto kong maniwalang role playing lang ang lahat ng ito pero napakahirap dahil alam kong nasa realidad na ako. Tama si Crown, this is reality.

" Crown, naririnig mo ba ang sarili mo? Ikaw ang nagsisinungaling! Alam mo sa sarili mong ikaw ang nagpilit sa akin upang kunin ang role, ni hindi ko nga alam ang mga nangyari kay Kathryn! " Naisigaw ko, humakbang ako papunta sa kanya at pilit siyang kinonsensiya. Hawak ni Alicia ang kamay ni Crown at pinisil-pisil ito. Magkasama sila noong play, hindi malabong magkasabwat sila.

" Julia, we just heard it. Stop denying something that was already told. Bistado ka na! " Kinuyom ko ang aking mga daliri sa nanliliit na boses ni Kathryn. Umamba akong pagbuhatan siya ng kamay ngunit pumagitna sa amin si Mam Apen kaya ako natauhan.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon