Lumulutang ang isip ko ng makarating ako sa bahay. Gusto kong matuwa dahil sa wakas ay makikilala ko na rin ng lubusan ang tunay kong pamilya ngunit sa kabilang banda'y naroon ang lihim ng kabang mabagal na dinudurog ang kalawakan ng pag-iisip ko. Sa makalawa'y narito na sila, at ang isa pang nagpapagulo sa utak ko ngayon ay ang inilulutong pagpapakilala sa akin sa buong angkan ni Mommy, sa hindi inaasahang pagkakataon, mangyayari iyon sa kaparehong araw na uuwi ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko, ang aking Ama at ang matagal ko ng pangarap na magkaroon ng lalaking kapatid. I'm so excited than ever.
Ench:
Anong sabi sa sulat? Papayag ka bang makipagkita sa kanya?
Itinapon ko ang phone ko sa paanan ng kama at saka ibinaon ang mukha sa malaking unan. Ano nga bang gagawin ko? Makikipagkita ba ako sa kanya? Nasa tama na ba ulit ang oras? Hindi ko na alam. Nasasaid na ang buong pag-iisip ko sa lahat. Normal bang magkaroon ako ng feelings sa isang tao ni hindi ko pa nakikilala? Oo, kilala ko siya pero sa pangalang sarili ko lang ang nag-imbento. Pwede pa rin kaya kaming maging matalik na magkaibigan pagkatapos ng halos 17 years? Pero sa kabila ng komplikasyon iyon ay masaya pa rin ako dahil siya na mismo ang naghanap sa akin. I can't help not to fall in love just by doing that simple thing. Denden gives me a new meaning of life.
Isinarado ko ang halos limang letter na binasa ko ng dalawang oras saka muling nag-isip. He wants me to meet him in a week. And I really don't know If i could. He told me in the letter that he's going back home for me. That's not a simple thing. It is much, very much. He is really determined to see me again, and it's freaking me out like gah, its awkward.
Ilalagay ko na sana sa box ang mga letters nang madanggil ko ito dahilan upang malaglag lahat ng laman nito sa sahig. Matiyaga ko itong inisa-isa hanggang sa maapakan ko pati ang nahulog na kwintas. Agad ko itong pinulot upang maibalik sa box nang mapatingin ulit ako sa perpektong disenyo nito. MHS. Napaawang ang bibig ko, hindi ako pwedeng magkamali, parehong-pareho ito doon sa logo'ng nakita ko sa kompanya. Hindi na iyon lumisan pa sa utak ko. Para itong nakapending na misyon na gusto ko at kailangan kong alamin. MHS? Anong kaugnayan nito dito sa kwintas na pagmamay-ari ni Denden?
Isang araw kong iginugol ang oras ko para sa rehearsal at sa mga kailangan ayusin sa event. Magiging malaking event ito, saad sa akin ni Mommy, at sa buong talambuhay ko hindi ko inaasahan ang pagdating ng araw na ito, dahil ang tanging nakatatak lang sa isip ko noon ay puros galit at paghihiganti sa kanila. Bukas, mababalewala na lang ang lahat ng iyon, magsisimula ako ng panibagong buhay at kakalimutan ang lahat ng pait mula sa aking nakaraan.
" Wow. I can't believe you! Sa Softcircle gaganapin ang grand event mo? E hindi ba, pagmamay-ari iyon nila Daniel? " Nabilaukan ako sa iniinom kong shake nang awtomatikong maproseso sa utak ko ang huling sinabi niya.
" What?! " Pinandilatan ko siya at ibinaba ang shake sa table, napatayo pa siya upang lapitan ako ngunit itinaas ko ang dalawang kamay ko upang bumalik siya sa kanyang kinauupuan.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...