MBT 17

211 16 0
                                    

Ngumiti si Daniel sa akin at pasimpleng kumaway. Nalaglag ang panga ko sa ipinakita niyang expresyon. Wtf.

Anong klaseng tao ang aasta ng ganito matapos siyang sigaw-sigawan at palayasin?

Huminga ako ng malalim at pumikit. I force to clear my thoughts and try to bring back my eyesight to assure his disappearance but yet I swallow back the lump growing in my throat seeing him next to my sister. Oh my innocent sister.

" Oh, bakit parang gulat na gulat ka? " Magkasalubong ang dalawang kilay ni ate.

" Bat ako magugulat.. bumalik lang naman 'yong taong akala ko'y wala na. " Parinig ko ngunit lalo lang naguluhan si ate sa inasta ko.

" Hay nako, ewan ko sayo.. " Untag niya habang inaayos ang mga binili niyang gamot.

" Hindi mo naman sinabing loko-loko rin pala itong kaibigan mo. Isipin mo-" Hindi ko na pinakinggan pa ang papuri ni ate. Hinatak ko palabas ng pintuan si Daniel at inilayo sa kwarto ni Mama. Mabuti na lang at hindi siya umangal dahil kung hindi baka siya 'yong ipalit ko doon sa dextrose at ibitin patiwarik sa may balkonahe.

" Ano ba! Ano bang iniisip mo? " Bulyaw ko sa harap niya matapos kaming bumaba ng hagdan sa labas ng ospital.

" I told you em not going home without you. " He simply answers as he turn his back at me, going back inside.

Bwiset na Daniel. Bwiset na pamilya 'yan. Bakit ba puro sila si english? Whatever.

" Hoy, bumalik ka dito! ..hindi ba sinabi ko sayo'ng umuwi ka na! Daniel naman, maawa ka naman sa akin. Hindi ka puwedeng magstay dito at lalo ng hindi ka pwedeng magliwaliw kung nasasaan ako. Kanina lang, mismong 'yong mama ang tumawag at alam mo ang sinabi niya? " Napahinto ako sa naging takbo ng mga sinabi ko.

Lumunok ako habang pinapanood siyang makalapit sa akin.

" Anong sinabi mo? " Untag niya.

Napaatras ako at hindi agad nakapagsalita.

" Julia.. "

" Please.. nevermind.. umuwi ka na lang dahil sinabi ko na sa Mama mong pauwi ka na at bukas ay nandoon ka na. Huwag mo naman sana akong ipahiya.. " Sinabi ko iyon habang nakatungo at ni hindi ko man lamang nagawang silipin ang naging expresyon niya.

" Julia.. " Pumasok ako sa loob ng hindi siya pinapansin.

" Umuwi ka na.. hindi na kita kailangan at.. at kung puwede lumayo ka na sa akin. Everyone's waiting for you back home. " Hindi ko inaasahan ang panginginig ng boses ko habang pinalalayo ko siya. Nasa loob na ulit ako ng ospital habang siya ay naiwan sa labas at nanatili kung saan ko siya iniwan.

Naglakad ako palayo at kumaliwa ng hindi sinusubukang tignan siya. Hindi ko kaya. Wala akong sapat na lakas upang tignan siya sa ganitong kalagayan. Pinilit niyang maiwan upang hintayin ako at makasama ako pabalik pero anong ginawa ko.. tinaboy ko siya, pinalayas ko siya matapos ko siyang gamitin. Hindi ba napakasaklap nun at ang sama-sama kong tignan? Marahil ay luminaw na ang kanyang paningin sa tunay kong ugali at malay ko kung isinusumpa na pala niya ako ngayon?

Hindi ko masasabi at lalo't higit ay hindi ko siya masisisi kung magtanim siya sa akin ng sama ng loob, pero isa lang ang gusto kong linawin, isinama ko siya dito ng wala man lang paalam, kasalanan ko kung bakit ngayon ay binabantaan na ako ng magulang niya. Bilang isang mahirap, pag-aaral lang ang susi sa lahat at oo desperado akong abutin ang sulok ng tagumpay. Ayaw ko man gawin iyon kay Daniel ay wala na akong magagawa, naging malapit siya sa akin at mas mahirap pa sa mahirap kung lalo akong mapalapit sa kanya, ang sabi nila mas mabuti ng maaga ay tinatapos na bago pa ito lumala. At naisip kong mas mahalaga sa akin sa ngayon ang matupad ko ang pangarap ko upang sa wakas ay matagpuan ko rin ang Ina kong nag-abandona sa akin.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon