MBT 39

130 14 2
                                    

" Hindi mo siya anak! Wala kang anak sa pamamahay ko! " Bulalas ni Mama sa nanlulumong babaeng nasa loob ng sala. Mayroon siyang kasama, sa tingin ko ay malapit niyang kaibigan. Mayaman siya, iyon agad ang napansin ko. Hindi simpleng binili lang sa tiangge ang mamahalin niyang sandals, napakaelegante ng kanyang suot na dress, at ang mga alahas niyang nagsusumigaw ng karangyaan. Hindi siya ordinaryong tao, iyon ang nakikita ko. Kaya sigurado akong hindi siya ang Ina kong nagtapon sa akin sa ampunan. Imposibleng hindi kami magkamukha kung siya nga ang tunay kong Ina.



" No. I'll get my daughter back. She's my daughter and you cannot take that from me. " Saad nito. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga habang nakasubsob sa hita ko. Tila kinakalabit ang puso ko ngunit pilit kong iniisip na panaginip lang ang lahat.




" Mara, anak! I need to talk to you! " May kumalampag sa pintuan at batid ko ang pagkadesperada sa boses niya. Hindi. Nagkamali lang siya. Ayaw ko ng umasa.



Humikbi ulit ako.



" Ano ba! Hindi mo siya anak! Lumayas ka sa pamamahay ko! " Nabigla ako sa lakas ng sigaw ni Mama sa likod ng kinasasandalan kong pintuan.




Ilang sandali lang matapos siyang pwersahang palabasin ni Mama ay pumalit ang nakakabinging katahimikan. Hinintay kong katukin ako ni Mama ngunit wala, hindi niya iyon ginawa. Nanatili akong nakalugmok. Hinintay kong maubos ang luha ko bago lumipat sa upuan at nag-isip. Totoo bang tinawag niya akong anak? At ano ang pangalan ko? Mara?



Sumalampak ako sa kama at ipinatong ang kamay sa noo ko.




" Hi, julia.. " Kinukuha ko ang lumang libro ko sa bag nang biglang umupo sa katabi ko ang nakashades na si Elmer. Tinanggal niya iyon at kumindat. Napaismid ako. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglilipat ng mga pahina sa aking libro. Isang buwan na simula ng magsimula ang klase ngunit hindi pa rin ako ganoon kabukas para sa mga bago kong nakakasama.



" Alam mo, idol talaga kita.. sobrang sipag mong mag-aral. Pwede bang.. pwede bang magpaturo sayo? Alam mo kasi.. " Napahawak siya sa kanyang batok. Suminghap ako at pinagtaasan siya ng kilay. Sira ulo! Ano? Nag-aral lang pala ako para ibahagi sa kanya? Utot.



" Gusto ko talaga 'yong mga babaeng kagaya mo, suplada pero may dating! " Aniya at pasimpleng gumapang ang kamay niya sa aking likuran. Tamad akong bumaling ako sa kanya at tinitigan hanggang sa matinag siya. Kainis! Nasaan na ba kasi si Ench?




" Back to your proper seats! We'll have our first group activity today. It would be by partners and that is your seatmate. Do at least 40 transactions for two months. Deadline, monday. " Nakataas ang isang kilay ko at naiwang nakabuka naman ang bibig ko. What? No way. He's not going to be my partner, is he? Sometimes, shit happens.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon