MBT 51

146 15 2
                                    

Ilang sandali akong nakatulala simula nang umalis si Daniel upang habulin ang nagmamaktol niyang girlfriend. Hindi ako makapag-isip ng maayos sa mga nangyari. Pumunta lang sana ako dito upang makuha ang pangalan ng taong nagpareserve ng dinner noong gabing nagkagulo sa bahay ngunit hindi ako makapaniwalang tadhana na mismo ang maglalapit sa akin sa katotohanan. 


" Ma'am, pasensya na pero pwede po bang sa labas na lang kayo maghintay ng order? " Napahawak ako sa suot kong kwintas nang bigla akong lapitan ng isang lalaki. Tumango ako at itinago ito sa takot na makita ko ulit ang lalaking pumipiga sa utak ko ngayon.


" Sorry po talaga. Mayroon na po kasing reservation sa buong room na ito. " Dagdag pa niya. Napatingin ako sa aking paligid at nagtaas ng kilay sa lalaki.


" Kuya, customer din po ako. Ano 'to Jollibee? Wala naman sigurong magpapaparty dito diba? " Hindi ko nakontrol ang sarili ko bago ko pa man iyon sabihin. Ewan ko pero sadyang tumataas ang altapresyon ko sa hindi malamang dahilan.


" Pero po.." 


" Okay, cancel my order. I'm out. " Padabog kong inabot ang aking bag sa kabilang upuan at tumayo upang umalis. 


Sumakay ako sa aking kotse at nagdesisyong tumambay sa isang parkeng madalas kong binibilhan ng burger. Mabuti na lang at nalibang ako sa mga batang naglalaro, namukhaan ko si Crown sa di kalayuang banda kaya napatayo ako. 


" Julia! " Napangiti agad ako sa tawag niya. Lumuwag ang pakiramdam ko kaya nagsimula akong maglakad palapit sa kanya.


" Dito ka na ba ulit titira? " Literal akong nabuhayan ng loob nang makita ko siyang tulad ko'y halos gumapang na rin ngayon sa bigat ng kanyang problema. Sa kabila ng pagod ko'y pinilit kong maging patas sa kanya. Hinawakan ko ang isang kamay niya.


" Oo, e. Okay lang ba? ..Sorry huh, nakalimutan kong wala na nga rin pala akong natitirang pamilya sa Cavite. " Pansin ko ang mahigpit niyang pagpigil sa mga luhang nanggigilid sa kanyang mga mata. Ito ang mundo, at hindi lang ako ang may problema. Napabuntong-hininga ako.


" Ano ba 'yan? Please, wa'g kang magdrama. Alam mo bang tuyong-tuyo na ang mata ko sa kadramahan na rin ng buhay ko? " Sinamahan niya ako sa pag-upo sa bench.


Isang oras pa ang lumipas at hindi kami natinag sa iba't ibang direksyon ng aming mga pinag-uusapan. Hindi ko binanggit ang nangyari noong bumalik ako galing sa Cavite.


" Yes, dad. " Sinagot ko ang kanina pang tumatawag.


" No. You know my conditions, dad. " And I'll stick with it. I'm not going home.


Napabuntong-hininga ako. " Oh come on, dad, she's good at it. Ano pa bang aasahan ko? ..just make her leave! " Umikot ang mata ko sa mga linyang aniya'y galing sa Ina ni Daniel. That woman, she never fails to piss me off. Really, I don't know why my father allowing himself being played by that woman. She's incredible than I think!


" Alam mo umuwi ka na, Ju..Mara whatever. " Umirap siya. " I'm sure they're waiting and.. worried. You don't want to be alone, I'm telling you. It's gonna be worse than you could ever think. " Tumataas ang kilay niya habang ipinapaalala iyon sa akin. 

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon