MBT 10

253 19 1
                                    

Today's really my 16th sweetest birthday. At dahil doon masyado na akong napaparanoid na baka may makaalam na ngayon ang tunay kong kaarawan. Ilang ulit na nilang pinilit alamin ang birthday ko pero hindi ako naglalakas-loob sabihin, para ano pa, para makapagpalibre sila ng lunch lahat. Ganoon ang ipinapauso ng mga kaklase ko na sa tuwing mayroong magbibirthday bobolahin nila upang makalibre ng lunch at sa kasamaang palad nagsimula ang ganyang kalakaran sa matapobreng si Kathryn. Grr.

" Please Lord, don't let Crown spill the beans or else I'm gonna have to spare a half of my whole savings. " Hindi ako madamot ngunit kailangan kong maging praktikal sa panahon ngayon. Wala na akong pera at hindi pwedeng lalo pa akong malugmok sa kahirapan.

" Julia, pwede na tayong magpractice ng steps. Natapos ko na lahat ng moves. " Ani Enrique habang patungo sa aking kinaroroonan. Inaantok akong nakatingin sa labas ng bintana kung saan tanaw ang mga naglalakihang building sa likuran ng eskwelahan.

" Hoy, Mahal na Reyna. Magpraktis na po tayo dahil bali apat na araw na lang iprepresent na natin 'yan. " Sabad ni Jaymie habang nakapameywang sa aming gitna. Feeling Boss ang bata.

Tumikhim ako at isinandal ang aking ulo sa arm chair, itinaas ko ang paa ko sa isa pang armchair. Lubos lubusin na ang pagsusuot ng PE uniform sa unang araw ng linggo.

Hindi ko sinubukan mapatingin man lamang sa kay Enrique sa aking harapan.

" Bahala kayo, basta ako kaya ko na yan ng isang araw bago ang presentation.. " Pagmamayabang kong isa lang din kasinungalingan. Oo. Marunong akong sumayaw pero hindi ganoon kasanay, at dahil pabibo itong si Enrique kailangan ko rin magmayabang. Joke. Tinatamad ako. Maybe, I'm not that inspired.

" Talaga lang, huh? Sige ba, basta hindi ka namin isasama sa grade.. " Nakakabwisit na sagot ni Jaymie. Pigilan ninyo ako, sasakalin ko na'to!

" Julia, may bago ulit na card para sayo... and guess what, naglevel up na siya, may kasama ng malaking teddy bear! Oh my gosh! " Sa pagdating ni Loriz sa aking tabi ay tila kuha ko na ang dahilan kung bakit ngunit ng ipasok na sa loob ng aming classroom ang isang higanteng teddy bear ay napatayo ako ng walang kahirap hirap.

Oh no, no. This can't be true.

Hindi ko mabilang kung ilang beses akong kumurap sa loob ng isang minuto ngunit pinilit kong magpakaseryoso sa kabila ng excitement na dala ng lahat. Nawala ako sa kamalayan at bahagyang nakadama ng pagkahilo sa pressure na bumalot sa buong kwarto. Ang lahat ay pumagitna sa akin at pinanood ako habang tinatanggap ang malaking teddy bear.

" Hindi ito sa'kin. Hindi ko ito binili. Isauli mo 'yan sa nagbigay, ayaw ko. " Pagtanggi ko at pinilit ilibang ang sarili sa pag aayos ng sintas ng sapatos.

" Ang arte mo, bae. Choosy ka pa? " Pangingialam ni Jaymie. Pektusan kita mamaya, promise!

" Hwag, Julia, wag! ..binili ko talaga 'yan.. para sayo! " Lumipad ang aking paningin sa pagsulpot ng isang lalaki mula sa pintuan. Binigyang daan siya ng lahat at pare-parehong nagulat sa kanyang pagdating. Inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa kanyang bulsa. Napalunok ako.

What the hell! No!

Sumikip ang dibdib ko at nagdilim ang paningin ko. Langhiya, papatayin ko ito!

" Rogelio !? " Ang react ng lahat para sa akin.

Oh my ghad. There's no way he would be my suitor.

" Ikaw? ..ikaw lang pala? You mean ikaw ang nagbigay nito? Seriously? What the? " Pakikisimpatya ni Jaymie. Kumunot ang noo ng lahat habang hinihintay ang misteryoso at mapanganib na sagot mula kay Rogelio.

Oh please, c'mon.

" Oo nga sabi. Ang kulit nito! ..Ako ang nagbigay nito. Ako ang secret admirer ni Julia baby..." Ew. Gustong gusto ko ng sumuka sa lahat ng aking naririnig at natatakot ako na baka mamaya mapa-guidance ulit ako pag di ako nakapagpigil. Kahit isang uppercut punch lang, please.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon