Nakahiga ako sa aking kama ng kumatok si mommy sa pintuan. Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng dalawang letter na kararating lang ngayon linggo. Galing ito kay Denden, tuwang-tuwa ako habang kinikilig sa pagbabasa. Yes. I find him adorable, and a cool one.
" Anak, hindi ka pa rin ba kakain ng lunch? You haven't eaten your breakfast, baka magkasakit ka nyan. " Malabo ang pagkakasabi niya dahil sa ingay na nanggaling sa garahe mula sa ibaba.
Inilapag ko ang ballpen sa ibabaw ng ginawa kong liham at saka ngiting-ngiting ibinagsak ang sarili sa kama. We'll see each other then.
Inayos ko ang sarili ko bago bumaba sa sala upang kumain. Hawak ko sa aking kamay ang bago kong iPhone at paulit-ulit na inidial ang number ni Enrique ngunit bigo akong makatanggap ng sagot mula sa kanya. Sinubukan ko na rin ang magpadala ng voicemail ngunit mukhang sinasadya niyang balewalain ako. I should've gone with him. I should've followed him. Hindi ko dapat siya hinayaang umalis, hinayaang isipan niyang niloloko ko lang siya. Totoong kinalimutan ko na si Daniel, kaya kung ano man itong nararamdaman ko ngayon ay isang malaking pagkakamali. Joseph's right, they look good together.
Ipinatong ko ang maliit na pegurin ng anghel na nakuha ko mula sa bedroom ni kuya sa table at nagsimulang maghanap ng makakain.
" Shit! " Napamura ako mula sa aking pagkain ng matanaw ko sa glass na bintana ang isang pamilyar na sasakyang palabas ngayon ng gate. Lumabas agad ako ng dining.
" Nanny, sino po 'yong dumating?! " Napalakas ang tono ng boses ko.
" Ha? Sinong dumating? " Tumayo siya mula sa pagmomop gamit ang kanyang lukot na noo. Napapikit ako ng mahigpit.
" Nanny, sino 'yong dumating! Bakit niyo siya hinayaang pumasok dito-"
" Ah, pasensya na po. Pero siya ang kuya niyo, dito rin siya nakati-" Napatingin siya sa labas at nausal ako.
" Si kuya po? K-kailan po siya dumating? Bakit naman hindi niyo agad ako sinabihan? " Inilagay ko kamay ko malapit sa aking leeg at bahagyang nakadama ng ginhawa. Ngunit hindi, dapat ipinaalam niya kaagad sa aking nandito ang kapatid ko. Dalawang linggo na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakatagpo ng landas.
" Sorry po talaga, ma'am, pero ayaw niyo pong magpaistorbo kagabi kaya hindi ko po kayo kinatok. " Pumikit ulit ako, suminghap at humalukipkip.
" Babalik daw ba siya ngayon? " Napatanong ako. Tumingin siya sa akin at bahagyang umiling.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...