MBT 35

154 14 2
                                    

Akala ko kasi hindi pa magiging huli ang lahat, may graduation pa diba. Pero ni hindi ko naisip na mawawala na pala siya noong mga panahong 'yon. Hindi ko alam, dahil kung siguro alam ko ay nasabi ko man lang ang totoo, pero ngayon huli na ang lahat.




Nakuha ko na rin sa wakas ang card ko. Sinadya ko iyon para hindi ko na makasabayan pa ang iba kong mga kaklase. Para akong nanibagong makasama ulit sila matapos ang graduation. Ako lang at ang madaldal na si Loriz ang nandito. Alas otso pa lang kaya kahit si Crown ay mamaya pa rin papasok.



" Hihintayin mo ba sila? " Naitanong ko sa gitna ng katahimikan. Tahimik lang siya kaya nakakapanibago iyon. Binalingan niya ako.


" Huh? Uh.. uuwi ka na ba agad? " Tumango ako. Wala na akong iba pang pupuntahan bukod sa boarding upang mag-empake. Tumayo siya at kinuha ang kanyang shoulder bag. Tumayo na rin ako.



" Sabay na tayo.. mamaya pa yata 'yong mga yon! " Aniya, sumang-ayon ako doon. Nagsisimula na rin dumating ang ibang estyudante mula sa ibang klase ngunit sa amin ay mukhang wala pa rin nagbabalak pumasok.



" Saan ka magcocollege? " Nilingon niya ako habang bumababa kami ng hagdan. Nag-alinlangan akong sumagot.



" H-hindi ko pa alam, e. " Naisagot kong medyo nakangiwi. Hindi ko alam kung aabot pa ako doon, malaking pasasalamat ko nga at nakapagtapos pa ako ng high school sa kabila ng lahat.



Luminga-linga ako sa may daan papunta sa grandstand na para bagang mayroong hinahanap ang sistema kong nakasanayan na nitong makita. Pakiramdam ko'y nakasunod lang siya sa akin at tamang nakamasid habang tinitigan ako. Kumirot ang bahagi ng puso ko sa mga walang katuturang iniisip ko.




" Anong kukunin mong course? " Patuloy niya, wala na sa akin ang kanyang atensyon ngunit sumagot pa rin ako.




" Accounting. BSA. " Sabi ko. Kumunot ang noo ko dahil sa nagagalak niyang reaksyon sa hindi ko malamang dahilan. Nilingon ko ang kinahuhumalingan niya.



" What the fuck! " Mariin kong bulong sa sarili ko.



Kumurap ako at muling naaninaw ang nakasandal na si Enrique sa harapan ng kanyang sasakyan. Nakakrus ang kanyang dalawang paa habang inaamoy ang tatlong pulang rosas sa kanyang kamay. Huminto ako sa paglalakad at hinayaan si Loriz na iwan ako. Shit!




" Julia! " Mahina ngunit nangingiting tawag ni Loriz sa akin. Nawala na yata ako sa ulirat ko. Ano ba kasing ginagawa ng lalaking 'yan dito? I mean, bakit may parosas-rosas pa siyang dala?

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon