Nang matapos ang dalawang araw ng weekend namin bonding ni Crown ay muli kaming pumasok ng sabay sa school. Nalaman kong saka lang din pala niya nalaman na si Daniel ang nagpupuslit ng mga estupidong cards na 'yon upang ibigay sa akin. Ayon sa kanya, hindi niya kaagad iyon isiniwalat sa akin dahil hindi pa kami nagkakaayos.
" Hoy, sana naman last na 'to huh? Ayaw ko ng makatampuhan ka ulit, ang hirap mo pa lang paamuhin... mabuti ka pa kayang-kaya mo akong tiisin samantalang ako halos ayaw na kitang makita dahil sa lagi akong naguguilty. " Pagsasabi ko ng totoo. Hay nako, siya itong palagi kong binubully pero ako pa pala itong mas mahina kaysa sa kanya.
" Daniel! " Kumunot ang noo ko sa ginawa niyang pagtawag sa lalaking kinaiinisan ko mula sa aking likuran. Siya lang naman ang dahilan kung bakit ako palaging kinukulang ng hangin sa tuwing nasa harap ko siya.
Kinawayan niya si Daniel.
Kinilabutan ako sa walang alinlangan paglapit niya sa amin. Watdapak, Crown. Sa ilang segundo ay naramdaman ko na ang pangangatog ng aking tuhod.
" Hey! ..oh I see you two are friends again. " He starts. The thought of his silly winking style bang me crazy.
" Kung 'di dahil sayo.. thank you nga pala huh. You completely made us stronger and now we're together again. " Sa una'y kumunot ang noo ko hanggang sa malaglag ang paningin ko. Kumurap kurap ako.
" Anong sabi mo? "
" You heard right, Julia. Siya ang dahilan kung bakit ako namotivate na makipagbati ulit sayo. She made me feel guilty! " Sumbong niya.
" Hoy hindi huh! ..sinabi ko bang maguilty ka? " Daniel mocks her.
What the hell is happening around me. I really don't have any idea that they are actually good friends! Ako na lang ba ang tangang hindi pa nakakaalam na close sila. Mas close pa yata sila kaysa sakin, I bet. Langhiya!
" I don't know you two were close friends. " I say innocently, trying to stay appease and calm.
" Hindi. Siya kasi ang kumumbinsi sa akin na makipagbati sayo dahil nagsisisi ka naman daw talaga. " Aniya. Hindi eh, nakakainis na! Ayaw kong aminin pero tunay at wagas nagseselos na ako! Paksyet!
Pinagtaasan ko ng kilay si Daniel at kasunod nito'y ang nagsisimulang kaguluhan sa aking sistema.
" Sige, una na ako. May presentation pa kami sa mapeh. " Untag niya. Mapeh?
Napaisip ako.
" Langhiya, Crown! 'Yong mapeh natin? ..diba ngayon tayo magprepresent? " Binalingan ko ang kumakaway na si Crown sa kay Daniel.
" Huh? May sinasabi ka? "
" Lintik ka! "
Nang makarating kami ng classroom ay tamang nakapalibot na ang lahat ng upuan sa gilid habang saktong nag uumpisa ang group 1 sa kanilang modern dance presentation.
" Julia! Magpalit ka na bilis! " Bulyaw ni Jaymie nang masulyapan niya ako sa may pintuan.
" Ba't ka ba natataranta, ito na ang suot ko. " Mahinahon kong sambit. Nakakamangha ang pagiging good mood ko yata ngayon.
" Anong? Sira ka ba, PE ang kailangan suot sa presentation! Bilis na! " Singhal niya sa akin sabay kaladlad patungo sa banyo.
" May problema, " Kumunot ang noo niya. " Wala akong dalang PE. H-hindi ko alam. " Nag-iwas ako ng tingin patungo sa mga classmates kong halatang handang-handa na sa aming gagawin.
Oh my god
" Ang tanga mo naman.. paano 'yan? Hindi daw pwede ang uniform. " Bahagya siyang pinanghinaan ng loob.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...