MBT 30

186 18 2
                                    

Naglakad ako palabas ng gate at halos dalawang hakbang na ang nagagawa ko sa sobrang hapdi ng nararamdaman ko.

Napakawalanghiya talaga ng babaeng 'yon. Hangang hanga na ako sa kanya, sa sobrang paghanga ko gusto ko siyang isako at itali ng patiwarik sa puno ng niyog. Naawa na ako sa kanya, e. Naguilty ako sa ginawa ko kahit na siya naman itong pasimuno. Tapos malalaman ko, isang kalokohan lang pala ang pagdradrama niyang iyon. Sana tamaan na lang siya ng kidlat, bwiset.

Wala ng trycicle. Nagpasya akong maglakad na lang papunta sa main way kaysa ang maghintay sa gate at maabutan pa ako ng dalawang 'yon.

" Shit! Ano ba! " Napabulyaw ako ng malapit na akong mabangga ng isang lalaking nakamotor. Nasa gilid lang ako ng kalsada kaya nagulat ako ng muntikan na niya akong mahagip dahil sa bilis niyang magpatakbo.

Nalaglag lahat ng papel na dala ko, inis ko itong kinuha at isa-isang pinulot ang mga napapunta sa gitna ng kalsada. Mabuti na lang at wala pang dumadaang sasakyan. Kumirot ang kanang paa ko at napapikit ako sa sobrang hapdi. Itinaas ko ng bahagya ang palda ko at nanghina ng makitang mayroon akong gasgas sa gilid ng tuhod at nagsisimula na itong dumugo. Binitawan ko ang papel na kinuha ko at paika-ikang lumakad papunta sa gilid ng kalsada.

" Julia! " Napatayo ako ng maayos ng marinig ko ang boses ni Daniel. Namataan ko ang sasakyan niya. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko dahil sa kabang tumama sa akin.

" Julia, anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba? " Bumaba siya ng sasakyan at mabilis akong dinaluhan. Muli akong tumingala at nabigo ng makita sa harap ko ang matangkad at matipunong si Enrique. It's not him. I know. It will never be him.

" Aahh.. " Nawalan ako ng balanse sa sarili ko ng mapagtanto ko ang lahat. Kanina pa pala ako nagpipigil kaya lalong nanghina ang mga tuhod ko.

Mabilis niya akong inalalayan at tinulungan upang masuportahan ang timbang ko. Hindi ako tumingin sa kanya.

" Doon ka na sa loob. Kukunin ko na muna ang thesis mo. " Untag niya. Napabaling ako sa kanya at tumango. Ayaw ko man sumabay ulit sa kanya ay wala na akong magagawa. Walang tricycle. May diperensya ang tuhod ko. Wala na akong lakas.

Pinanood ko siyang yumuko upang pulutin ang mga papel ng naiwan ko.

" May problema ba ang mga paa mo? Bakit ka paika-ikang maglakad? " Iniinda ko ang paa kong nangingimi na sa sakit ng magsimula siyang magmaneho.

" N-nahagip ako ng motor.. "

" What! " Malakas niyang tugon at bago pa man ako malinawan ay naihinto na niya ang sasakyan.

Umiling ako at bumaling sa kanya.

" I'm fine. Ihatid mo na lang ako sa boarding. " Ipinatong ko ang isang kamay ko sa bintana ng sasakyan at humilig doon. Nag-iwas ako ng tingin upang itago ang sakit ng nararamdaman ko.

Mayroon pa akong kailangang linawin sa kanya. Hindi niya ako responsibilidad.

" No. We're going to the hospital. " Pinaandar niyang muli ang sasakyan at pinaharurot ito pababa ng Intertown. Napakapit ako ng mahigpit sa sarili ko at di napigilang magdahilan.

" I said I'm fine. Kailangan ko ng umuwi. Just bring me home! " Nangibabaw ang lakas ng boses ko sa ingay na likha ng kanyang sasakyan. Hindi siya nagsalita, nagpatuloy lang siya sa kanyang pagmamaneho.

Kinalma ko ang sarili ko at bumuo ng pangungusap.

" Quen, please. Alam ko ng ikaw ang nagbayad ng 2000 sa tuition fee ko. Pwede bang huwag mo na akong pakialaman sa buhay ko. Buhay ko ito. I'm not your responsibility. " Gumaan ang pakiramdam ko ng sa wakas ay masabi ko iyon sa kanya. Naisip ko ng sugurin siya tungkol dito pero nakakapagod ng magsimula ng away. Ayaw ko na.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon