Simula noon madalas na kaming nagkakasabay ulit ni Daniel sa mga lakad namin. Minsan napupuro na rin ako ni Crown dahil lagi na raw akong ginagabi sa pag-uwi, nangyayari lang naman iyon kapag kinailangan kong tapusin ang mga ginagawa ko sa library para hindi ko na kailangan pang gumising ng maaga para doon.
" Oh, sige po, Mama.. tatawag na lang ulit ako mamaya. " Sabi ko sa kabilang linya bago ito isilid sa bag. Nilaro ko ang ballpen sa mesa habang nakikinig.
" Hindi pa rin ba gumagaling si Kath, Alicia? " Naging sentro ngayon ng usapan si Kath dahil doon sa ginawa niyang eskandalo sa Intertown Beanery. Simula noon ay hindi pa rin siya nagpapakita sa lahat. Hindi ko masabi kung dahil sa hiya, guilt, o talagang nagkasakit lang siya.
" I don't know. Hindi pa rin kami nagkakausap ni Kath simula noong play, eh. " Simpleng sagot ni Alicia at lumabas ng pintuan kasama si Crown. Nakakapanibago 'yong dalawa dahil malimit silang tumakas at umiwas kapag si Kathryn na ang pinag-uusapan. Pumasok na sa isip kong maaring may kinalaman ang dalawang ito sa pagkakaudlot ng role ni Kath pero pinili kong isantabi na lang iyon.
" One week na siyang absent, a. Swerte niya dahil malapit na ang bakasyon. " Komento ni Jaymie.
" She said she'll be back around this week. Ewan ko lang. " Sabi ko habang sinusuri ang dalawa kong kaibigan sa labas ng hallway na mukhang may masusing pinag-uusapan.
" Alam mo? " Gulat na tanong nila Kate at Jaymie. Binalingan ko sila at tumango.
" Yup. Sinabi sa akin ni Daniel. " Pag-amin ko at tumayo na sa upuan upang sundan ang dalawa. Nawala na sila sa labas ng pinto kaya malamang bumaba sila ng building. Kailangan ko silang kausapin at mabigyang linaw ang lahat. Hindi ko pa rin magawang maging kampante at tumahimik na lang sa tuwing binubusisi ako ng mga tao tungkol sa daglian pagpapalit ng role. At alam kong hindi nila ako tatantanan hanggang sa malunod ako sa mga tanong nila at ng makapagtagumpay silang sirain ako. Mayroong mga taong unti-unti ng pumapanig sa akin ngunit mas marami pa rin ang hindi sumang-ayon sa nangyari sa play.
" Crown.. saan kayo pupunta? " Nagpasalamat ako ng maabutan ko pa sila sa unang palapag ng building. Hinawi ko ang takas kong buhok at bumagsak ang tingin ko sa nasa kamay ni Crown na tila isang tape.
" Ano 'yan? " Naitanong ko kahit alam kong isa nga iyong klase ng tape, CCTV tape. Nakakita na ako ng ganito dahil minsan na akong isinama ng aming adviser sa loob ng Guidance kung nasaan binabantayan ang lahat ng nangyayari sa campus.
" Huh? W-wala 'to. " Umiling-iling ang dalawa at magpapaalam na sana ngunit mayroong umabot sa hawak ni Crown na tape mula sa kanyang likuran.
" CCTV tape? What are you guys going to do with this? " Napaawang ang labi ko ng iwagayway iyon ni Kathryn sa ere. Namutla ang dalawa at agad siyang hinarap.
" What? This is a CCTV tape, right? Say something.. why are you having this? " Kinagat ni Alicia ang ibaba ng kanyang labi at yumuko, samantalang si Crown naman ay taas-noong tinanggap ang lahat ng namumuong ideya sa isip ni Kathryn. Nakauniporme na siya ngayon at bakas pa rin sa kanya ang pagkakasakit niya. Nabigla ako dahil sa gitna ng sinasabi ni Daniel na kondisyon niya ay nagawa pa niyang magpaputol ng buhok, hanggang balikat niya na lang ito at pumantay na rin ang dati niyang bangs dito.
Nabitawan ko ang hawak kong ballpen ng lumagapak ang hawak niyang tape sa harap ng dalawa. Sinadya niya iyong itapon at inapakan. Hindi ko kinaya ang pangyayari kaya agad akong pumagitna sa kanila.
" Kathryn, tumigil ka na! " Simula ko at hinarangan ang nagpipigil na si Crown.
" Tumigil? ..Who do you think you are to stop me? Do you think I am just going to drop this thing? Well, sorry cause I already bring this up to our Guidance counselor. Hintayin mo na lang ang pagbabalik mo sa kalbaryong ginawa mo, bitch! " Nalaglag ang panga ko sa lahat ng narinig ko. Umalis na siya bago pa man ako malinawan at makahinga ng maayos. Luminga-linga ako at kita ko ang pagkaasiwa sa mukha ng bawat estyudanteng dumaraan sa parte namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/7530753-288-k85249.jpg)
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...