MBT 25

240 16 4
                                    

Dumaan ang weekends at tamang pag-ge-general cleaning lang ang inatupag ko sa buong library. Tulog pa ako kinaumagahan ng Sabado nang mapatawag ang Librarian at aniya'y mayroon daw ulit mag-iinspect sa buong school kaya kailangang maiwan malinis ang buong library. Wala akong nagawa kahit na ang sakit sakit pa ng katawan ko dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko alam pero parang nalumpo yata ako sa sampal pa lang ni Kathryn. Well, babawian ko siya. I won't gonna simply ignore her clumsiness the hundredth time this time. 

Nauna akong pumasok kay Crown dahil kakailanganin ako at maging si Enrique para mamaya sa naudlot na mass sana noong friday. Kami ang mangunguna sa offering bilang pagpapasalamat sa tagumpay ng palabas.

Unknown number:

Can I fetch you?

Isang mensahe ang dumating at halos manigas ang tuhod ko habang naghihintay sa bench, harap ng Chapel ng School.

Ako:

No need, Quen. Nasa bench na ako hinihintay ka. Faster please.

Mabilis kong itinype at sumandal na sa upuan. Inilapag ko ang bag ko sa hita ko at hinalukay ang binigay niyang box noong Party. Hindi ko pa rin ito nabubuksan kaya medyo nagmadali akong tignan.

Bracelet. I knew it. Halata na ito sa box pa lang niya. Walang kahirap-hirap ko itong inangat sa box at pinagmasdan. Isang napakanipis na bracelet ang isang ito, mayroong initials na Julia at agaw-pansin ang  chain nitong tila itinubog sa maliliit na dyamante. Napakaganda. Syempre, mabilis iyon mapansin sa pangalan pa lang ng box. At alam kong malaking pera ang nilustay ng lalaking 'yon para lang sa materyal na bagay na ito.

 “ Hindi mo ba 'yan nagustuhan? I don’t see you wearing it. " Napatayo ako sa aking kinauupuan at nagsilaglagan ang mga gamit ko mula sa bukas kong bag dahil sa pagsulpot ni Enrique sa harapan ko.

Inirapan ko siya at yumuko upang pulutin ang mga notebooks ko.

" Hindi ka ba marunong maghi o hello man lang.. para kang multo! " Hindi ko pa rin siya pinapansin kahit na tuloy siya sa paglalahad sa akin ng mga papel ko. Itinabi ko sa sulok ng shoulder bag ko ang box na galing sa kanya. Titignan ko pa kung masusuot ko ito.

" Sorry. I'll put that in mind. " Aniya. Marahas kong hinalbot ang mga nasa kamay niyang gamit ko at tinalikuran siya.

" Bago ulit number mo, a. " Pagwawala ko sa malamig na hanging pumapagitna sa amin. Nakasunod lang siya sa akin at hindi nagsasalita.

" Alin number? " Humakbang siya ng mas mabilis upang maabutan ako. Tumabi siya sa akin, papasok na kami sa Chapel dahil tinatawag na rin kami ni Mr Fortuno sa loob.

" Cellphone number. You texted me. " Hindi ako nag-angat ng tingin. Inisa-isa kong ngitian ang iilang freshmen at sophomores na kita kong sumuporta sa akin noong play. I still have them. They're enough.

" I didn't send you anything. " Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo. Liar!

" Okay, fine.. May dinala ka bang offering? Pera na lang ang sa akin. " Naalala kong bumili kahapon ng kahit dalawang plastik lang ng pansit kaso nakalimutan ko kaya pinili kong maglagay na lang ng 50php sa isang maliit na sobre.

" I've brought you one.. " Excited ang tono ng kanyang boses kaya napadungaw ako sa dala niyang paperbag na hindi ko agad napansin kanina dahil sa inis.

" I can manage. Don't need anything from you. " Simple kong sabi at humiwalay sa kanya ng upo. Umamba siyang sumunod sa akin kaso sinenyasan ko siyang doon na lang umupo sa mga kaibigan niyang kanina pa atat na makausap siya.

Unknown:

So that's how you two cling with each other huh. I wish I didn't see it.

Lalo pang kumunot ang noo ko sa huling reply na natanggap ko. Ano bang gimik na naman ito ni Enrique? Ito ba ang dahilan kaya siya papalit-palit ng number? Para lang bilugin ako at mainis? Sira-ulo.

Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon