Dumaan ang Sabado at Linggo na puro ilangan at pakikipagmatigasan ang nabuo sa aming maliit na boarding house. Pareho kami ni Crown na hindi umiimik at nilalampasan ang isa't isa sa tuwing nagkakasalubong.
" Ano ba yan para kayong mga bata! Nasa school tayo ngayon at pareho namin kayong kailangan para mabuo ang steps. Ano na lang ang mangyayari sa sayaw natin? " Reklamo ni Jaymie habang pilit kaming pinaglalapit ni Crown.
" Hindi nga yan masabihan ng teacher, ikaw pa kaya? " Mahina kong parinig nang di lumilingon sa direksyon ni Crown.
Mayroong panibagong project ang ibinigay sa amin at ito ay ang pagsasayaw ng hiphop o ng isang modernong sayaw. Hinati ang aming klase sa tatlong grupo: ang grupong kinabibilangan ko, ang grupo ni Kate at ang grupong pinapangunahan ni Kathryn. Mabuti na lamang at madaling mapakisamahan ang grupong napapunta sa akin, de bale na lang si Crown. Kailangan namin itong maipresent bago pa man dumating ang Holidays.
" Hey guys, what's going on? " Umalingawngaw ang boses ni Enrique sa buong classroom.
" Guess what? Sa amin ka kasali Quen! ..Yiee " Ugh. Halos magtatalon si Jaymie sa tuwa dahil doon. Ano ba naman yan!
" Kagroup ba natin yan? " Sabad ko, pinipilit na hindi tumingin sa mga mata ni Enrique.
" Ano ka ba! Tignan mo nga nasa listahan oh! ..Enrique Gil—Group 2! " Bulyaw niya. Umikot ang mata ko sa ginagawa niyang pagkataranta.
" Enrique, I think you better move onto my group. You don't fit with these stingy little creep ones! " Sabat ng mahaderang Kathryn. Ano bang problema niya sa mga magaganda?
" Too bad.. I would be good together with this group of cheap ones actually! You mind your members first, " Basag niya. Hay nako, mabuti naman at nakaramdam ka, kung hindi baka baldado na 'yan makauwi.
" Ugh. You don't do this to me Enrique.. well, okay just this time! " Ani Kathryn ng tumaas ang kilay ni Enrique. Ano palag? Sa lahat ng tao wala kang modo pero pagdating sa itinuturin mong prinsipe halos magmukha ka ng bulldog sa pagkamasunurin.
" So, Julia.. when do we start? " Tanong niya at humakbang papunta sa akin.
Humalukipkip ako gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing siya ang kausap ko. I always want to win over him unlike the stupid Kathryn.
" Fine. You do the whole steps and call us whenever you finished. You are a dancer and you can manage it. " I regret the way I answer him like I am going to put upon him all my responsibilities. He may think he would replace me as a leader.
" Huh? Okay fine. No problem. I'll do it if you would be there watching me... " Nalaglag ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Hell. He seems to be serious.
Nag iwas ako ng tingin at umakto na parang walang narinig.
" Julia? " Hinawakan niya ang braso ko at sinubukang iharap sa kanya ngunit inalis ko iyon at nagkusa ng humarap.
" You can't be serious about that, Enrique? " I try to look quivered as he cringe to himself.
" I didn't mean it. Itatanong ko lang sana kung anong klaseng sayaw? " Kumunot ang noo niya habang pinipilit kong itago ang bumabahang kahihiyan sa akin. Hindi 'yon ang tunay niyang intention? Really?
Oh my gosh
" Mellow Hip-hop " I answer casually.
" You're not going to help me? " He snaps. He is joking, isn't he?
I make-face and look away from him.
" Nope.. You can ask help from Jaymie or at least approach her to make any difference if you want to. " Tugon ko at pumihit upang lumabas na sa awkward na classroom. Ang lahat ay nasa amin ang atensyon puwera na lang sa mga nagwalk out na kagrupo ni Kathryn. Losers!
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...