" Julia, gusto kong linisin mo 'yong mga dumi ni Mustach doon sa terrace. Dapat wala na iyon pagbalik ko. " Malinaw na utos ni Kathryn sa akin. Nilapitan ko siya upang marinig ng maayos. Hawak niya sa kanyang mga kamay si Mustach-ang alaga niyang shih tzu.
Tumango ako ng walang pag-aalinlangan ngunit dumating si Mama at tumutol.
" Ako na anak, doon ka na lang sa kusina at bantayan mo ang niluluto ko. " Saad ni Mama ngunit bago pa man ako um-oo ay pinigilan na ako ni Kathryn.
Bumalik siya kung nasaan kami ni Mama nag-uusap at nagsalita na tila siya ang Amo namin sa halip na ang kanyang Ina. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang galit nitong si Kathryn sa tuwing nagkakasalubong kami. Ang hirap tanggapin na dati rati'y halos hindi kami mapaghiwalay sa paglalaro. Matagal ng naninilbihan dito si Mama, simula noong unang lipat pa lang namin dito sa Cavite at halos dito na rin sa bahay nila Kathryn ako palaging nakatambay imbes na sa bahay kasama si ate Lizette. Hindi ako sigurado ngunit ang tanging naalala ko lang ay nang unang bumisita si Enrique dito sa bahay nila Kathryn upang makipaglaro ay nagsimula na siyang mainis palagi sa akin at hindi ko akalaing magpapatuloy ito hanggang ngayon na isa na kaming high school.
Sinisi ko noon si Enrique dahil dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin sa pisngi ay nagawang magwalk-out at magwala noon ni Kathryn dahil doon. Matindi ang galit niya sa akin at simula noon ay itinurin niya akong tunay na alipin ng kanilang pamilya at hindi na isang kaibigan. Iyon ang dahilan kung bakit maging ako man ay nagkaroon ng galit kay Enrique. Siya ang pumutol ng magandang samahan namin ni Kathryn.
" Hindi. Ikaw Julia ang inuutusan ko at hindi ang Mama mo. Tita, doon ka na sa ginagawa mo. " Pinandilatan niya si Mama na tila wala siyang alam sa salitang respeto at paggalang. Natalo pa niya ang Mommy niya kung makapag-utos.
Hindi sumagot si Mama bagkos ay binigyan niya ako ng pilit na ngiti at tumango. Tulad ng sabi ni Kathryn ay pumunta ako sa terrace upang maglinis ngunit maya-maya ay bumalik si Mama at hinayaan akong doon na lamang sa kusina gumawa.
" Ako na lang po ang magluluto.. " Masaya kong sambit kay Mama at agad pumunta sa Kusina. Laking pasasalamat ko ng wala doon si Kathryn kaya naman naisipan kong magluto ng pinakagustong putahe ni Tita Florida-ang mommy ni Kathryn.
" Uhm.. Julia, andyan ba si Kathryn? " Napatalon ako sa gulat sa presensiya ni Enrique sa may bungad ng kusina.
Nilapitan ko siya at sinagot ng walang halong emosyon.
" Lumabas.. mamaya ka na lang bumalik. " Maikli kong sagot at bumalik sa pagluluto.
" Gano'n ba.. mabuti naman. Ano 'yan niluluto mo? " Kinilabutan ako sa paglapit niya sa akin ngunit tila mas kinabahan ako sa naging reaksyon niya ng wala si Kath.
" Umayos ka nga, ayaw ni Kathryn na nagkakausap tayo at lalo ng lumalapit ka sa'kin kaya umalis ka na.. " Mahina kong sabi habang inaabala ang sarili sa paglalagay ng mga putahe at pag aayos sa kusina.
" Julia.. bakit mo ako laging pinapalayo? saka, ano bang pakialam ni Kath kung mas close tayo? " Lumabas ako ng kusina para makalayo sa kanya at umiwas sa pagsagot ngunit masyado siyang malakas magsalita kaya lalo akong nainis.
" Una, tumigil ka na at baka may makarinig sayo niyan. Pangalawa, pinapaswelduhan lang kami ng pamilyang tinutukoy mo, kaya hwag na wag mong sabihin walang pakialam si Kath.. siya ang dapat mong ipinupunta dito at hindi ako. " Pinigilan ko ang sarili kong huwag masobrahan ng galit dahil baka may magawa pa ako sa kanya. Panibagong kasalanan.
" Pinapalayo ka ba sa'kin ni Kath? ..kakausapin ko siya, maiintindihan niya 'yon. " Walang kamuwang-muwang niyang sagot. Gustong gusto ko siyang suntukin sa mukha upang malinawan siya ngunit hindi ko pwedeng gawin.
BINABASA MO ANG
Mas Bagay Tayo (JulNiel completed)
Fanfiction-REVISED- Kilala si Julia Montes bilang isang babaeng may mataas na pagtingin sa kanyang sarili, hindi siya tumatanggap ng pagkatalo at lalong hindi niya hahayaang maging pangalawa sa dating malapit sa kanyang si Kathryn Bernardo. Hindi lang sila na...