I Darkmoon's Attack I

4.5K 155 5
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!



KABANATA LII

Third Person's POV

"Maaari ba kitang makausap sandali, Jeremy?" tanong ni Nymeria nang makita niya ang Beta sa likod ng mansion, kasalukuyang nagsasanay kasama ang ilang kawal.

Sabay-sabay silang huminto. Some recognized Nymeria, but most merely stared at her with blank expressions.

Napansin niyang natigil si Jeremy, tila nag-aalinlangan na pagbigyan siya.

"Sa tingin ko ay may mahalaga tayong kailangang pag-usapan. Pakiusap..." Unti-unti nitong ibinaba ang armas at malamig na tumingin sa kanya.

"Follow me." Wala nang ibang sinabi si Jeremy.

Tahimik namang sumunod si Nymeria habang naglalakad sila palayo sa training grounds. Along the way, she couldn't help but observe the mansion around her.

Ibang-iba na talaga ang lugar.

The servants and soldiers she once knew were fewer now. Those who remained moved mechanically, their faces devoid of emotion as they performed their duties. Para bang nawala ang buhay sa dating masayang mansion.

"Ano ang nais mong pag-usapan, Punong Nymeria?" tanong ni Jeremy nang makarating sila sa pavilion na nagsisilbing pribadong lugar niya.

Saglit na nag-atubili si Nymeria. Ayaw niyang pag-usapan ang sensitibong bagay nang walang katiyakang ligtas sila.

"Don't worry. This is my place. No one can hear us here." Tumango siya bago tuluyang nagsalita.

"Ano ba talagang nangyayari sa ating pack, Jeremy?" Nagbago ang ekspresyon nito. The usual coldness disappeared, replaced by exhaustion and helplessness.

"Wala akong nagawa, Punong Nymeria. Everything happened too quickly, and I wasn't strong enough to oppose her." Napakunot ang noo niya.

"Sinong siya?" Muling tumalim ang mga mata ni Jeremy.

"That creature. The one possessing our Luna's body." Natigilan si Nymeria. So it wasn't only her who had noticed the terrifying change.

"She manipulated the entire pack," pagpapatuloy nito. "Unti-unti niyang pinasunod ang lahat sa kanyang kagustuhan. I tried to stop her, but I failed. I'm just a useless Beta who couldn't even save the Alpha."

Ramdam ni Nymeria ang bigat ng pagsisisi nito. Jeremy had sworn to protect the pack, yet he had been forced to watch its people become puppets.

"May paraan ba para malaman natin kung saan nanggaling ang nilalang na iyon?" Umiling si Jeremy.

"I tried. I hired skilled spies and investigators, but none of them discovered anything. Wala silang kahit anong bakas na natagpuan."

Napaisip si Nymeria. If even their best investigators had failed, perhaps Everly could identify the creature. Baka alam nito kung ano ang nilalang na sumakop sa katawan ng Luna—and perhaps how to remove it.

"May paraan ba para pansamantalang masuspinde ang Luna bilang kapalit ng Alpha?"

"I once created a solution with the council," sagot ni Jeremy. "But they eventually fell under her control as well. I had no choice but to step aside." Humigpit ang hawak ni Nymeria sa kanyang tungkod.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon