Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXXVI
Third Person's POV
"Finally, you came home."
Hector's voice carried both relief and frustration as he stepped inside their house and saw his stubborn daughter quietly sitting in the sala.
"Did you give the specimen to Doctor Fergus?" iyon agad ang bungad ni Nemya, na para bang walang nangyaring ilang araw siyang nawala.
"Yes, yes, I did," sagot ni Hector habang dahan-dahang nauupo sa katapat niyang silya.
"Where's Uncle Luis?"
Napasingkit siya ng mata. "Mabuti pa ang tiyuhin mo, naaalala mong hanapin."
Napailing lang si Nemya at umikot ang mga mata. "You know you're old enough to sulk like that, right?"
Napatawa nang mahina si Hector, ngunit mabilis ding napalitan iyon ng seryosong ekspresyon.
"Will you stay for good?"
Sandaling nabalot ng katahimikan ang silid. Sa likod ng tanong na iyon ay ang pag-asang matagal nang kinikimkim ng isang amang sawang mangamba para sa nag-iisang anak.
Madalas niyang tanungin ang sarili kung saan siya nagkulang bilang ama. Kailan ba nagsimulang lumayo ang loob ng anak niya?
"You already know the answer, Father."
Simple lang ang sagot ni Nemya, ngunit sapat na iyon upang muling mabasag ang munting pag-asang nabuo sa dibdib ni Hector.
"Kailan ka ba matututong ilayo ang sarili mo sa kapahamakan, Nemy—"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang tumayo ang dalaga. Halatang sawa na ito sa parehong sermon na paulit-ulit niyang naririnig.
"I made a promise to myself a long time ago, Father. And I won't stop until I fulfill it."
"But that was only a childish oath! Isusugal mo ba talaga ang buhay mo dahil lang doon?"
"The life of our race isn't 'just' a reason, Father!"
Mariing bumagsak ang bawat salitang binitiwan ni Nemya. Nagningas ang mga mata nito, ang parehong ekspresyong matagal nang nakikita ni Hector tuwing may nasasaksihan itong diskriminasyon laban sa kanilang lahi.
"Pagod na akong manahimik. Pagod na akong makita ang mga batang warlocks na tinatratong parang salot. Pagod na akong panoorin kung paano tayo hinuhusgahan ng ibang nilalang dahil lang sa mga maling paniniwalang ipinasa sa kanila."
Ramdam ni Hector ang sakit sa bawat katagang lumalabas sa bibig ng anak.
He remembered the day everything changed. His once timid, gentle daughter returned home with tears in her eyes after suffering cruel insults from people who treated neutral warlocks as if they were creatures unworthy of respect—even of life itself.
That heartbreak reshaped her completely.
The cheerful little girl disappeared, replaced by a woman who was fearless, stubborn, and unwavering in her convictions. She forged her own beliefs instead of accepting the world's prejudice.
Since then, she devoted every waking moment to earning recognition within the pack. Hindi iyon para sa sariling pangalan, kundi upang balang araw ay makahingi siya ng pahintulot sa Alpha na bumuo ng sariling coven para sa mga neutral warlocks—isang tahanang ligtas sa diskriminasyon, kung saan malaya silang mabubuhay nang hindi itinatago ang tunay nilang pagkatao.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
