Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XVII
Third Person's POV
"W-Who?" mahinang usal niya habang mariing pinagmasdan ang mukha ng matanda. Sa pagkakataong iyon, wala siyang makita roon kundi purong katapatan at emosyon.
Napansin niyang unti-unti nang namumutla ang balat at labi nito habang ang mga simbolong nakaukit sa katawan nito ay isa-isang naglalaho hanggang sa tuluyan nang mawala. Naiwan sa kanyang harapan ang isang matandang nakaluhod sa sariling dugo.
"My precious daughter..."
Parang biglang nanghina ang buong katawan ng babae nang marinig ang mga salitang iyon. Hindi siya makapaniwalang napatitig sa mukha ni Lord Gallore habang bahagyang nakabuka ang kanyang labi.
H-He has... a daughter?
"W-What?" halos pabulong niyang tanong. "Ikaw... may pamilya?"
Ang matandang ilang beses na niyang sinumpa at kinamuhian ay minsan palang nagkaroon ng anak. Isang pamilyang minahal. Napangiwi siya nang makita ang munting ngiting sumilay sa mga labi nito, tila ba unti-unti nitong binabalikan ang pinakamahalagang alaala ng buhay nito.
"Just like everyone else in this world..." paos nitong panimula. "I was once an ordinary man... living a peaceful life with my family. My greatest treasure was my daughter. She became the reason why I grew stronger... to protect her... and the woman I loved..."
Naputol ang mga salita nito nang muli itong mapa-ubo ng dugo.
Biglang sumikip ang dibdib ng babae. Habang mas lumalalim ang kuwento ng matanda, lalo namang lumalawak ang kanyang pagnanais na malaman ang katotohanan.
Kaagad na iniunat ng babae ang kamay at nag-usal ng healing spell. Isang malakas na sinag ng liwanag ang bumalot sa sugat nito.
Ngunit ilang segundo ang lumipas ay nanatiling bukas ang sugat. Patuloy pa ring dumadaloy ang sariwang dugo mula sa dibdib ng matanda. Napakunot ang noo niya.
"Hindi..." bulong niya.
Bahagyang nabigla si Gallore sa ginawa niya.
Hindi ba't ito mismo ang gusto niya? Ang mabayaran ang lahat ng kasalanan niya sa pamamagitan ng sariling kamatayan?
Ngunit heto ang babaeng matagal nang naghahangad ng kanyang pagkamatay... gumagamit ngayon ng sariling mahika upang iligtas siya.
A faint smile slowly formed on Gallore's bloodstained lips.
Muli siyang nag-usal ng panibagong healing spell. Isa... dalawa... tatlo... hanggang sa sabay-sabay na niyang ipinatawag ang iba't ibang healing magic na alam niya.
Mas lalo pa niyang pinalakas ang mana na ibinubuhos sa bawat spell.
Unti-unting tumulo ang dugo mula sa kanyang ilong dahil sa labis na paggamit ng kapangyarihan, ngunit hindi siya tumigil.
"It's no use... ija..." mahina nitong sambit habang marahang hinawakan ang nanginginig niyang kamay.
"...Pinapagod mo lamang ang sarili mo. You're only wasting your magic... on someone like me."
Sa kabila ng paghihirap ay nagawa pa rin nitong ngumiti. Sunod-sunod siyang umiling habang pilit pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Hindi niya maintindihan.
Bakit parang... gusto niyang umiyak? Hindi ba't ito ang lalaking sumira sa buhay niya? Ang lalaking nagbigay sa kanya ng sumpa?
"No..." nanginginig niyang usal. "This isn't how you're supposed to die. Don't... I haven't made you pay yet for everything you've done to me."
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
