| True Reign |

3.4K 123 5
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA LXV

Third Person's POV

Kaagad na inikot nilang tatlo ang lugar kung saan sila muling bumagsak. Ilang beses na silang nag-teleport sa bawat parte ng mansion, nagbabakasakali na matyempuhan nilang makita ang Alpha sa ganoong paraan.

Sa di kalayuan, natanaw ni Elias ang pamilyar na bulto ni Alpha Tobias na naglalakad patungo sa mansion, may ilang nilalang na sumusunod sa likuran niya.

"Iyon siya," bulong ni Elias kina Nemya bago itinuro ang Alpha.

Naningkit ang mata ni Nemya nang mapansin ang dalawang nilalang na may mabigat na dark energy.

Samantala, abala sina Jeremy at Miciera sa katawan ni Ganesha.

"Are you sure you can handle it?" tanong ni Jeremy kay Miciera.

Tumango lamang ito. Maingat niyang inalalayan si Ganesha bago sila tuluyang naglaho patungo sa silid nito.

"Alpha," bati ng tatlo nang makalapit sila. Kaagad namang napatingin si Jeremy kay Cimmerian, tila may kung anong pamilyar sa mukha nito.

"Hayaan ninyong magpakilala kami, Alpha Tobias," magalang na usal ni Cimmerian.

"My name is Elias, my lord." Yumuko siya.

"I'm Nemya."

"And I'm Cimmerian, firstborn child of Alpha Douglas from Woodland Pack." Bahagya siyang ngumiti bago yumuko.

Doon naalala ni Jeremy kung saan niya nakita ang dalaga. Dumalo na ito noon sa isa sa mga pagdiriwang ng pack kasama ang amang si Douglas.

"Both Elias and I are from Moonstone," dagdag ni Nemya.

Ngumiti si Tobias. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo, aming mga panauhin?"

"Ipagpaumanhin ninyo ang abala, Alpha, ngunit may mahalaga kaming pabor na nais hingiin," saad ni Cimmerian habang lumalapit. "Can you allow my friend to travel beyond the barrier? We urgently need to return home—"

"Patawad, my lady, ngunit hindi ko magagawa iyon."

Naputol ang kanyang salita. "That isn't a decision I can make alone. We worked tirelessly to create that barrier, and allowing anyone to leave would compromise everything. I'm sorry."

Bakas ang sinseridad sa mukha ni Tobias, kaya pinilit ni Cimmerian ang sarili na huwag sumagot nang padalos-dalos.

"We understand, Alpha," sabat ni Nemya. "But isn't this unfair to those who don't belong to your pack? We're innocent outsiders, yet this barrier forces us into a war that isn't ours." Pagpapatuloy nito.

She just learnt about the pack's current state from the gossiping servants a few minutes ago as they walk through the mansion to look for the Alpha.

Napabuntong-hininga si Tobias. "We understand your concern, but everyone inside will be protected."

"Gaano kayo kasigurado?" muling tanong ni Nemya, dahilan upang huminto ito.

"This is a matter of life and death. If we remain trapped, Cimmerian could lose her family and her entire pack. Please, Alpha. Just this once, let us leave."

Muling humarap si Tobias. "What do you mean by that?"

Kaagad na iniabot ni Cimmerian ang liham. Tahimik iyong binasa ng Alpha, at nang magtama muli ang kanilang mga mata ay nagbago ang kanyang ekspresyon.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon