Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XL
Third Person's POV
The following morning, Yvaine slowly opened her eyes, still drowsy from the previous night's exhaustion.
For a brief moment, she forgot where she was. Ngunit nang luminaw ang kanyang paningin, agad siyang natigilan.
The man's familiar crimson eyes were already fixed on her. Walang kahit anong emosyon ang mababasa sa mukha nito.
He simply stared. And somehow... that made it even more terrifying.
Nanigas ang buong katawan ni Yvaine bago siya mabilis na napabangon mula sa pagkakasandal sa upuan.
Kasabay niyon ang paglaglag ng kumot na nakatakip sa kanya. Noon lamang niya napagtantong iyon pala ang kumot na ipinantakip niya rito kagabi.
Bahagya siyang napatikhim sa hiya.
Tahimik niyang pinulot ang kumot at maayos na ipinatong sa upuan habang palihim na sinusulyapan ang lalaki.
Hindi pa rin ito nagsasalita. Hindi rin kumukurap. Ramdam niya ang malamig na pawis na unti-unting namumuo sa kanyang noo.
"I—I only saved you..." Mahina niyang bulong.
"I... I'm about to leave." Her voice trembled beneath his intimidating stare.
Pakiramdam niya ay isa-isa nitong binabasa ang bawat iniisip niya. Goosebumps crawled across her skin.
Hindi na niya kinaya ang tensyon kaya mabilis siyang tumalikod. Subalit napakunot ang kanyang noo nang mapansin ang kakaibang kandadong nakakabit sa pinto ng kubo.
Wala iyon doon kahapon. Awtomatiko siyang napalingon muli sa lalaki. Kasabay noon ang pagtayo nito.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Unti-unti itong naglakad papunta sa kanya. Every step echoed inside the tiny cabin. Napayuko si Yvaine nang halos ilang pulgada na lamang ang pagitan nila.
What the heck is wrong with him? She silently cursed in her head.
Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang maramdaman ang kamay nitong dumaan sa kanyang tagiliran.
Napasinghap siya.
Ngunit saka lamang niya napagtantong nakaharang pala siya mismo sa pintuan. Agad siyang umurong.
"S-Sorry..." Mahinang bulong niya. Tahimik lamang na binuksan ng lalaki ang pinto.
Muling nagtama ang kanilang mga mata. Saglit lamang iyon. Ngunit sapat upang mapansin ni Yvaine ang bahagyang paglambot ng ekspresyon nito.
Hindi na ganoon katalim ang titig. Para bang may kung anong emosyon itong pilit na itinatago.
Nang tumalikod ito, napansin niyang napahawak ito sa tiyan nitong balot pa rin ng benda. Mukhang hindi pa rin tuluyang naghihilom ang mga sugat nito.
Napaisip siya. Ano ba talaga ang nilalang na ito?
Kung isa itong werewolf o vampire, dapat ay matagal nang naghigom ang mga sugat nito.
Kung warlock naman... surely he knew healing magic.
At higit sa lahat hindi man lang ito lumaban kagabi habang binubugbog ng mga tao.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
