I Darkmoon's Evil Plan I

4.7K 144 9
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA XXXIX

Third Person's POV

The next morning, Everly and Eve finally reconnected.

May naiwan pa ring kaunting ilang sa pagitan nila matapos ang nangyari sa kweba, ngunit pareho nilang napagdesisyunang isantabi muna iyon. Staying together was the safest choice.

Everly knew she couldn't survive another encounter with the creature impersonating Crizelle without Eve by her side. Kahit gaano pa siya katapang, hindi niya kayang harapin mag-isa ang nilalang na halos muntikan nang kitilin ang kanyang buhay.

Three days.

Iyon na lamang ang natitirang panahon bago opisyal siyang ipakilala ni Greyson bilang bagong Luna ng kanilang pack.

Three days before everything changed. At alam niyang hindi pa siya handa.

Dahil sa sunod-sunod na pangyayari nitong mga nakaraang araw, halos napabayaan na niya ang kanyang pagsasanay. Malayo pa siya sa kumpiyansang kailangan ng isang Luna.

Mas lalo pang naantala ang balak niyang isiwalat ang tunay niyang pagkatao sa buong pack. Mahigpit iyong tinutulan ni Eve matapos ang nangyari sa impostor na Crizelle.

"You almost died because you let your emotions control you." Paulit-ulit iyong bumabalik sa kanyang isip.

She hated admitting it...

But Eve was right.

Kung hindi siya nagpadaig sa pananabik na makita ang kapatid, hindi sana siya nalinlang ng impostor.

Napabuntong-hininga si Everly. Hindi niya namalayang napakarami na palang oras ang nasayang niya.

Hindi pa rin niya alam kung bakit ginagaya ng nilalang na iyon ang kanyang kapatid, ngunit isang bagay ang sigurado siya.

Kapag muli silang nagkaharap...

She would uncover the truth.

"Ija!" Napapitlag siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Manang Linda mula sa kusina.

Pagpasok pa lamang niya ay mabilis na siyang niyakap ng matanda.

"Manang..." mahina niyang tugon habang gumuguhit ang maliit na ngiti sa kanyang labi. She knew she had worried the old woman once again.

"Saan ka ba nagpunta? Magdamag kitang hinintay!" sunod-sunod nitong tanong. "Ano bang nangyari sa'yo?"

Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha nito. Ngunit marahan lamang na umiling si Everly.

"Pasensya na po, Manang."

"Hindi pa ito ang tamang oras para ikuwento ang lahat." Habang nagsasalita ay palihim niyang inilibot ang tingin sa buong kusina at sa sala.

Everything was quiet. No sign of the impostor.

"Nasaan po si Crizelle?" kaswal niyang tanong upang hindi mahalata ang tunay niyang pakay.

"Nasa kwarto pa rin siya," sagot ni Manang Linda na may lungkot sa boses.

"Magdamag siyang nakakulong roon. Hindi man lang niya ginalaw ang pagkaing inihain ko." Saglit na natahimik si Everly.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon