I Castriel's departure I

4.1K 146 18
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA XLIX

Third Person's POV

Sigurado ka bang kaya na ng katawan mo, Everly? May bahid ng pag-aalala ang tanong ni Eve sa kanyang isipan.

Ngunit bago pa man siya makasagot, mabilis nang sumugod ang tatlo sa mga kalalakihan. Iniyuko niya agad ang ulo nang tangkain siyang sunggaban ng isa. Kasabay niyon ay mabilis niyang sinalo ang kamao ng pangalawa at, sa isang malakas na pihit, ibinalibag ito sa kabilang direksyon.

Napasinghap siya nang makitang ilang metro ang layo ng ibinagsak ng lalaki. I never used that much strength before... Maging siya ay nagulat sa lakas na taglay na ngayon ng kanyang katawan.

Hindi na siya nagkaroon ng oras para pag-isipan iyon. Ang ikatlong lalaki ay agad na inilabas ang mahahabang kuko at sumugod sa kanya. Walang pag-aalinlangang hinugot ni Everly ang isang palaso, ikinabit iyon sa pana, at pinakawalan ng walang pakundangan.

Tumama iyon nang eksakto sa dibdib ng kalaban. Halos manginig sa galit ang pinuno ng grupo nang makita ang isa pa nilang kasamahan na bumagsak sa lupa.

"Patayin ninyo siya!" sigaw nito.

Sabay-sabay na umatake ang natitira nilang mga tauhan. Sunod-sunod ang kanilang mga suntok, sibat, at iba't ibang spell kaya napilitan si Everly na unahin muna ang pag-iwas kaysa gumanti.

She leaped from one tree root to another, dodging every attack with precise movements. Kahit halos maubos ang kanyang hininga, hindi siya nagpapanic. Pinakikiramdaman lamang niya ang tamang pagkakataong makabawi.

Ngunit sa gitna ng kaguluhan, hindi niya napansin ang kutsilyong palihim na ibinato ng isa sa mga lalaki.

Bahagya siyang nahuli sa pagyuko. Napunit ang puting cloak na nakatakip sa kanyang ulo at tuluyang nahulog iyon sa kanyang balikat.

Nanlaki ang mga mata ng mga kalaban. Bago pa man nila tuluyang makita ang kanyang mukha, mabilis niyang iniangat ang dalawang palad at isang nakakasilaw na liwanag ang sumabog mula sa kanyang palad.

"Aghhh!" Napapikit ang lahat dahil sa tindi ng ilaw. Kasabay niyon ay mabilis siyang bumulong ng isa pang spell.

A powerful beam of light burst from her palms and slammed directly into the remaining attackers. Isa-isang tumilapon ang kanilang mga katawan, bumangga sa mga puno bago bumagsak sa damuhan nang halos mawalan ng malay.

Humugot siya ng malalim na hininga bago muling itinakip ang napunit na cloak sa kanyang ulo.

Pag-angat niya ng tingin ay wala na ang pinuno. He had abandoned his own men.

Coward.

Sa halip na lumaban, iniwan nito ang babaeng bihag at tumakas papalayo.

Agad na nilapitan ni Everly ang babae. Nakagapos pa rin ang mga kamay nito habang nakabalot ang sako sa ulo. Dahan-dahan niyang inalis ang tali bago hinubad ang takip.

"Tulong!" halos mapahagulgol na sigaw ng babae habang humihingal. Basang-basa ng pawis at luha ang kanyang mukha. May sariwa ring sugat sa noo na patuloy ang pagpatak ng dugo.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay bigla itong natahimik. Hindi makapaniwalang napatitig ang babae sa kanya.

"Ligtas ka na," mahinahon niyang sabi. Unti-unti siyang tumayo at tumalikod.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon