Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXVIII
Third Person's POV
Tahimik lamang na nakatanaw si Everly sa bintana ng kanyang silid habang pilit inaalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Ngunit gaano man niya pilitin ang sarili, iisa lamang ang malinaw sa kanyang alaala—ang muling pagkikita nila ng misteryosong puting lobo at ng mga nakakatakot na halimaw sa loob ng kakahuyan.
Everything after that remained a complete blur.
Kaya naman sigurado siyang hindi simpleng panaginip ang lahat ng iyon. Too vivid. Too real. Ngunit sa tuwing napapatingin siya sa direksyon ng kakahuyan, agad ding nabubuo ang panibagong tanong sa kanyang isip.
Kung totoong nangyari ang lahat... bakit walang bakas ng labanan?
Wala siyang nakitang mga nabuwal na puno, sunog na damuhan, o kahit anumang senyales na may naganap na matinding sagupaan.
Napabuntong-hininga siya at napasabunot sa sariling buhok.
"Hay..." inis niyang bulong.
She had waited so long to see that strange white wolf again, yet she wasted the opportunity. Ang dami niyang gustong itanong dito, ngunit maging ang huling bahagi ng gabing iyon ay hindi niya maalala.
Habang abala siya sa pag-iisip, isang marahang katok ang umalingawngaw sa pinto.
Hindi siya agad lumingon.
Unti-unting bumukas ang pinto, at kasabay noon ay ang pagpasok ng pamilyar na amoy na agad niyang nakilala.
Greyson.
Halos mapilipit ang leeg niya sa bilis ng paglingon.
Naroon ang alpha, nakatayo sa may pintuan, taglay ang dati nitong seryoso at halos walang emosyong ekspresyon.
Agad namang umiwas ng tingin si Everly. Biglang nagsiksikan sa isip niya ang mga nangyari sa kanilang pagtatalo.
Hindi pa niya ito lubusang napapatawad.
Hindi naman niya hinihinging yumuko ito o gumawa ng malaking bagay. Ang gusto lang niya noon ay kilalanin nito ang naramdaman niyang sakit nang ipagsawalang-bahala nito ang kanyang emosyon.
She only wanted to feel heard.
Pagod na siyang laging inuunawa ang ibang tao habang patuloy na isinasantabi ang sarili niyang damdamin.
Kaya kahit narito ngayon si Greyson, hindi niya alam kung ano ang aasahan.
"I'm sorry." Nanlaki ang kanyang mga mata.
"I didn't mean to ignore your feelings that day." His voice was calm... but undeniably sincere.
Napayuko si Everly habang unti-unting umiinit ang kanyang pisngi. Kasabay noon ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
Ganito ba talaga ang epekto ng isang simpleng paghingi ng tawad? O dahil ito ang unang beses na narinig niyang puno ng tunay na pagsisisi ang boses ng lalaki?
"B-Bakit ka nandito?" mabilis niyang pag-iwas sa usapan.
Hindi niya napansing lumapit na pala si Greyson hanggang sa maramdaman niyang umupo ito sa tabi niya.
Before she could react, marahan nitong hinawakan ang kanyang baba at inangat ang kanyang mukha.
"Why is your face so red?" tanong nito habang pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Are you feeling unwell?"
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
