I Restwell, Mother I

5.2K 156 10
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA XXXVIII

Third Person's POV

Every inch of Miciera's body burned as if she had been thrown into raging flames. From the top of her head down to her toes, unbearable pain pulsed through her muscles and bones.

Even breathing felt like a struggle, each inhale scraping painfully against her chest. Her swollen eyelids felt impossibly heavy, and the sounds around her were muffled, as though she were submerged underwater.

Despite the agony, she forced her eyes open.

A blurry, unfamiliar ceiling greeted her. Unti-unti niyang nilinaw ang paningin hanggang sa maaninag ang paligid. Nasa loob siya ng isang malaking kuweba.

Sa bawat sulok nito ay may mga kakaibang gemstones na nakabaon sa mga pader, emitting a soft bluish glow that illuminated the entire cave. The air was cold—painfully cold.

Or perhaps... she only felt that way because she wasn't wearing anything.

Napamura siya sa sakit nang pilitin niyang bumangon mula sa malamig na batong kanyang hinihigaan. Kaagad na sumakit ang bawat sugat sa kanyang katawan, dahilan upang mapasinghap siya at muling mapaupo.

Sunod-sunod na tanong ang sumalakay sa kanyang isip.

Ano ang nangyari matapos ang laban nila ng demonyo? Nakaligtas ba ang mga taong nadamay sa pag-atake?

At higit sa lahat...

Ano ang nangyari kay lola Mizda? Biglang bumigat ang kanyang dibdib.

Was she... already dead?

Tahimik siyang napaupo habang habol ang hininga, pilit inaayos ang magulong isip.

"Gising ka na pala." Halos tumalon palabas ng kanyang dibdib ang puso niya sa biglang boses mula sa kanyang likuran.

Mabilis siyang napalingon habang instinctively tinatakpan ang sariling katawan gamit ang kanyang mga braso.

Her eyes landed on a woman she had never seen before. Ngunit sa kabila ng pagiging estranghero nito, wala siyang maramdamang dark energy o kahit anong nakakatakot na presensya mula rito.

Instead, the woman radiated warmth. Lumapit ito habang may hawak na isang tumpok ng malilinis na damit.

"Ako si Enora," malumanay nitong pakilala. "Hayaan mong tulungan kitang magbihis."

Hindi agad nakapagsalita si Miciera. Para bang may malaking batong nakabara sa kanyang lalamunan. Tahimik na lamang siyang tumango bilang pagsang-ayon.

Makalipas ang ilang minuto, maayos na siyang nakabihis.

Tahimik namang nagsindi si Enora ng ilang kandila sa paligid ng batong hinihigaan niya. Unti-unting bumalot ang init sa malamig niyang katawan.

"N-Nasaan ako?" paos niyang tanong matapos muling mahanap ang kanyang boses. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang naghihintay ng sagot.

"Bago ko sagutin iyan," mahinahong saad ni Enora, "hayaan mo muna akong gamutin ang pamamaga ng iyong mga mata."

Muli lamang tumango si Miciera.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon