Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XIX
Third Person's POV
Samantala, habang nasa kalagitnaan ng teleportation spell ang binatang kasalukuyang buhat ang katawan niya ay bahagyang nagkamalay si Miciera. Using every ounce of strength she had left, agad siyang nag-cast ng isang spell.
BOOM!
Isang malakas na pagsabog ang naganap sa ilalim ng misteryosong lalaking may hawak sa kanya. Napabitaw ito sa lakas ng impact. Sinamantala agad ni Miciera ang pagkakataon.
"N-No..." Bago pa siya muling mahawakan ng lalaki ay mabilis siyang nagbulong ng panibagong teleportation spell.
Sa isang kisapmata ay muli siyang naglaho. "Argh..."
Sunod-sunod siyang napaubo ng dugo nang muli siyang lumitaw sa ibang lugar. Halos mawalan na siya ng malay habang pilit sinusuri ang kanyang paligid.
Unti-unti niyang nakilala ang makitid na daanang iyon sa gitna ng kagubatan. Using what little strength remained, nagsimula siyang maglakad patungo sa nag-iisang lugar na alam niyang ligtas.
Fortunately... nagtagumpay ang spell. Naibalik siya nito sa maliit na baryong minsang naging tahanan niya.
Hindi nagtagal ay natanaw niya ang isang simpleng kubo sa gitna ng kagubatan. Iyon ang bahay ng babaeng kumupkop sa kanya noon.
Ang nag-iisang nilalang na tumanggap sa kanya sa kabila ng kanyang sumpa.
Just like Miciera...
Isa rin itong neutral warlock. Mahina siyang kumatok ng dalawang beses. Napakahina ng tunog.
"Sandali lamang!" sigaw ng pamilyar na matandang boses mula sa loob. Napapikit si Miciera habang tuluyan nang lumalabo ang kanyang paningin.
At least... I'm finally safe.
Nang bumukas ang pinto, tuluyan nang bumigay ang kanyang katawan. Sa kabutihang-palad, mabilis siyang nasalo ng matandang babae.
"Ija! Diyos ko!"
Nanginginig sa takot ang boses nito habang nakatitig sa duguan at halos walang buhay na si Miciera. Iyon na ang huling bagay na naalala niya bago tuluyang nilamon ng kadiliman ang kanyang kamalayan.
Everly's POV
Another morning, another transformation.
Muli na naman akong nagising sa dati kong anyo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang nasasanay sa paulit-ulit na pagbabagong ito. Every single morning feels like a reminder that my life is no longer normal.
Ngunit sa halip na magpatalo sa takot, pilit kong ibinabalik ang isip ko sa mga plano na kailangan kong tuparin—plans that still feel far beyond my reach.
Magdamag kong pinag-isipan kung paano ko haharapin ang buong pack. How can I prove that I deserve to stand beside Greyson?
Sa oras na makita nila ang anyo kong ito, alam kong tiyak na ang magiging kapalaran ko. I wouldn't blame them if they chose to reject me. Kung tutuusin, kahit ako ay nahihirapang makita ang sarili ko bilang isang Luna ng pinakamakapangyarihang pack sa Grand Orleas.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
