Warning: This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXXVII
Third Person's POV
Nemya had just returned to Woodland Mansion. Tahimik na muling bumabalik ang sigla sa buong pack ngayon na unti-unti na silang nakababawi mula sa trahedyang muntik nang sumira sa kanilang teritoryo. Malaki ang naging ambag ng Moonstone sa kanilang pagbangon.
Habang naglalakad siya sa pasilyo patungo sa silid ni Cimmerian, bigla siyang napatigil sa harap ng pinto nang marinig ang malakas na pagtatalo sa loob.
"You're already a grown woman, Cimmerian! You could've died! Do you even realize what you've done?!" galit na sigaw ng isang lalaki.
Hindi na niya kailangang hulaan kung sino iyon.
Rafael.
"I will do whatever I want with my life, Rafael! You don't get to dictate how I live it!" mabilis na sigaw namang balik ni Cimmerian.
Mukhang doon umiikot ang kanilang argumento—ang walang ingat na desisyong muntik nang ikamatay ng dalaga. Gayunpaman, base sa lakas ng boses nito, mukhang mabilis na rin ang paggaling ng katawan nito.
"I am your mate!" halos mabasag ang boses ni Rafael sa sakit. "Hasn't that given me enough right to care for you? What's the purpose of me being your mate if I'll just stand there and watch you die?"
Napabuntong-hininga si Nemya.
Truthfully, matagal na niyang napapansin ang kakaibang koneksyon ng dalawa. They were far too close to simply be pack members. Ngayon, tuluyan nang nakumpirma ang kanyang hinala.
They were destined mates.
"And I never accepted you as my mate!" mariing sagot ni Cimmerian. Parang kutsilyong bumaon ang bawat salitang iyon kay Rafael.
Sumunod ang mahabang katahimikan.
Sa halip na magalit, pinili nitong pigilan ang emosyon. Dahil doon, napagtanto ni Nemya na hindi na bago ang ganitong pagtatalo sa pagitan ng dalawa.
Ngunit bago pa siya makaalis, isang malakas na kalabog ang nagmula sa likuran niya.
Paglingon niya, nadatnan niya ang nanlalaking mga mata ni Luna Asherah.
"T-Tama ba ang aking narinig?" nanginginig nitong tanong. "Ang... aking anak at si Rafael... ay mag-mate?" Tahimik na yumuko si Nemya at kusang umurong sa gilid ng pinto.
Hindi na nag-aksaya ng oras ang Luna. Marahas nitong binuksan ang pinto.
"Luna!"
"Ina!"
Sabay na sigaw nina Rafael at Cimmerian.
"Tama ba ang aking narinig?" puno ng awtoridad na tanong nito.
Habang abala ang tatlo, marahang isinara ni Nemya ang pinto. Nagtaas siya ng kamay at bumulong ng isang spell na bumalot sa apat na sulok ng silid.
A sound barrier. Ayaw niyang may ibang makarinig sa usapang iyon.
Kapag nalaman ng maling tao ang lihim ng mag-mate, panibagong kaguluhan na naman ang haharapin ng Woodland.
Ngayon, wala na silang ibang pagpipilian kundi ang ipagtapat ang katotohanan kay Luna Asherah.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
