Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XLVII
Third Person's POV
"Halika na. Bumalik na tayo sa bahay—patay na naman ako kay Apo Vanya nito." Mahinang reklamo ni Mayla habang nagkakamot sa batok.
Napangiti si Everly sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon. Hindi niya inakalang may taong kayang gawing magaan ang isang simpleng hapon.
Tahimik silang naglakad pabalik sa nayon, bitbit ang mga koronang gawa sa ligaw na bulaklak. Habang lumalalim ang dapithapon, nagkulay kahel ang kalangitan at dahan-dahang tinakpan ng ginintuang liwanag ang buong kagubatan.
The cool breeze carried the scent of wildflowers and fresh earth, making the long walk feel strangely peaceful.
For the first time in a long while, Everly wasn't thinking about revenge, betrayal, or survival. Ang tanging laman ng isip niya ay ang katahimikang matagal na niyang ipinagkait sa sarili.
Pagdating nila sa tribo ay abala na ang lahat sa paghahanda ng hapunan. May ilan na nagbabalat ng gulay, may naghihiwa ng isda, habang ang iba naman ay nagsisindi ng mga kalan.
The entire village moved like one family, each person doing their part without anyone giving orders.
"Mayla!" Sabay silang napalingon nang marinig ang matinis na boses ni Apo Vanya.
"Ano na naman ang ginawa mong bata ka?" Napapailing nitong tanong habang nakapamewang.
Napatawa nang alanganin si Mayla. "P-Pasensya na po... hindi ko namalayang gabi na pala."
"Hindi mo namalayan?" taas-kilay nitong ulit. "Halos ipahanap na kita sa buong nayon!" Nagyuko ang dalaga na parang batang nahuling nangupit ng pagkain.
"I'm really sorry..."
Tahimik lang na pinagmamasdan iyon ni Everly. Akala niya'y mas lalo pa itong papagalitan, ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay natawa si Apo Vanya at marahang kinurot ang pisngi ni Mayla.
"Sa susunod, magsabi ka muna bago ka magliwaliw sa gubat, isinama mo pa si Everly sa iyong kalokohan." Nangangaral na tugon nito at ngumiti sa direksyon niya.
"Opo..." Nahihiyang ngumiti si Mayla.
Kasunod noon ay nagtawanan na rin ang iba pang miyembro ng tribo. Someone even joked that Mayla probably got distracted by another strange hobby again, making everyone laugh harder.
Hindi maiwasang mapatingin ni Everly sa mga ito. Walang galit. Walang sigawan. Walang parusang may kasamang pananakit.
Just warmth. Something she had never truly experienced.
"Everly!" Napatingin siya kay Nymeria na nakangiting inaabutan siya ng isang mangkok.
"Kumain ka na, ija. Kailangan pang bumawi ng katawan mo." She accepted it quietly. "Maraming salamat."
Simple lamang ang hapunan—mainit na sabaw, inihaw na isda, sariwang gulay, at bagong lutong tinapay. Yet somehow, it tasted far better than the luxurious meals she once had inside Greyson's mansion.
Maybe because this meal came with genuine kindness.
Tahimik siyang kumain habang pinagmamasdan ang masasayang kwentuhan ng mga tao sa paligid. Ang mga bata ay nagtatawanan habang nag-uunahan sa pagkain.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
