I The sister's reunion I

5.9K 187 21
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA XXXV

Third Person's POV

"How dare they!"

Dumagundong ang galit na boses ni Alpha Douglas sa buong infirmary kung saan kasalukuyang nakaratay si Lady Cimmerian.

Lahat ng mata ay nakatutok sa grupo ng mga bagong dating—mga Neutral Warlocks na ipinadala ng Moonstone Pack sa utos ni Chief Fergus upang suriin at gamutin ang panganay na anak ng Alpha.

Despite the hostility surrounding them, nanatiling kalmado at walang emosyon ang mga bisita.

"Umalis kayo sa aming teritoryo ngayon din!" mariing sigaw ni Douglas, nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata. Para sa kanya, isang malaking insulto ang magpadala ang Moonstone ng mga nilalang na matagal na niyang kinamumuhian.

"Douglas!" Napalingon ang lahat nang dumating si Luna Asherah.

Halatang ilang araw nang hindi natutulog ang Luna. Namamaga ang kanyang mga mata sa walang tigil na pag-iyak, ngunit nanatiling matatag ang kanyang tindig.

"Bitawan ninyo sila ngayon din!" mariing utos niya sa mga kawal na noon ay pinalilibutan na ang mga Neutral Warlocks.

Kasunod niyang dumating ang mga aliping omega, kabilang si Nemya.

Nang magtagpo ang tingin nila ng isa sa mga Neutral Warlocks, bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata. Agad siyang umiwas ng tingin at nagtago sa likuran ng ibang servants, pilit iniiwasan ang mapanuring titig ng lalaki.

"Huwag kang makialam dito, Asherah," malamig na saad ni Douglas. "Dakpin ninyo ang mga nilalang na iyan at parusahan sila sa kanilang kapalaluan!"

Ngunit bago pa makagalaw ang mga kawal, muling nagsalita ang Luna.

"Kapag ginawa mo iyan..." nanginginig ngunit matatag ang kanyang boses, "...kalimutan mo nang mayroon ka pang asawa at panganay na anak."

Tumahimik ang buong paligid.

The weight of her words silenced everyone.

Hindi naitago ang pagod sa kanyang mukha, ngunit mas nangingibabaw ang desperasyon ng isang inang handang gawin ang lahat upang mailigtas ang kanyang anak.

"Patawad, Luna," magalang na saad ng pinuno ng mga Neutral Warlocks. "Mukhang isang pagkakamali ang pagpunta namin rito."

Sunod-sunod na umiling si Asherah.

"H-Hindi... pakiusap..." halos mapaluhod siya habang mahigpit na hinawakan ang kamay ng isa sa kanila. "Pagalingin ninyo ang anak ko... nagmamakaawa ako."

Tuluyan nang bumagsak ang kanyang emosyon.

Hindi na niya alintana ang kanyang dignidad bilang Luna. Ang mahalaga lamang ay mailigtas si Cimmerian.

"Hindi ba ninyo narinig ang utos ng inyong Luna?" sigaw ni Beta Rafael sa mga kawal. "Bitawan ninyo sila!"

Nagkatinginan ang mga sundalo bago dahan-dahang umatras. Lalong dumilim ang mukha ni Douglas.

Napansin niyang mas pinili ng kanyang mga tauhan ang utos nina Asherah at Rafael kaysa sa kanya.

"Ako ang Alpha ng pack na ito!" galit niyang sigaw. "Wala kayong ibang susundin kundi ang aking salita!"

Matagal na niyang napapansin ang kakaibang paggalang ng mga kawal kay Rafael. They feared their Beta more than they respected their Alpha.

"Kaya dakpin ninyo sila!" muli niyang utos. Sa pagkakataong ito, sumugod ang mga kawal.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon