Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XVIII
Third Person's POV
Tatlong beses na mas mabilis kumilos ang demonyong iyon kaysa sa isang normal na lobo.
Dahil doon, lalo itong naging nakakatakot. Sa isang tingin pa lamang ay alam na ng pinuno ng mga kawal na wala na siyang pag-asang makatakas. Kahit pa tumakbo siya nang buong bilis, hinding-hindi niya matatakasan ang nilalang na nasa kanyang harapan.
Ngunit bilang isang tapat na kawal ng Crescent Moon Pack, hindi niya kailanman naisip ang pagtakas.
Nanatili siyang matatag sa kanyang kinatatayuan, handang harapin maging ang mismong kamatayan kung kinakailangan. Kung ito na ang huling sandali ng kanyang buhay, sisiguraduhin niyang mamamatay siyang ipinagtatanggol ang pack na kanyang sinumpaang paglilingkuran.
Bago pa man niya harapin ang demonyo, mabilis siyang nagpadala ng huling ulat sa kanilang Alpha gamit ang kanilang communication crystal.
Kailangan nilang malaman ang nangyari. Kailangan nilang mabigyan ng sapat na oras ang buong pack upang makapaghanda at makapaglikas.
Kahit mamatay man siya rito... hindi dapat masayang ang kanyang sakripisyo.
"Mukhang matapang kang lobo." Muling nagsalita ang demonyong iyon.
Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ng pinuno nang makita ang mabagal na paglawak ng mapanukso nitong ngisi. Walang bakas ng awa o pag-aalinlangan sa mukha ng nilalang. Para bang isang laruan lamang ang tingin nito sa kanya.
"I like your guts," anito habang bahagyang ikiniling ang ulo. "Kaya gusto kitang alukin." Sa loob ng anyong-lobo ng pinuno ay nabalot ng pagkalito ang kanyang isip.
Bakit siya kinakausap nito? Bakit pa ito nag-aaksaya ng oras? Isa lang ang malinaw sa kanya.
Kung nagpadala ang Dark Coven ng isang nilalang na ganito kalakas, nangangahulugan lamang iyon ng isang bagay. Hindi na simpleng pag-atake ang balak nila.
Gusto nilang burahin sa mapa ang Crescent Moon Pack. At hinding-hindi niya hahayaang mangyari iyon.
"Serve under me," malamig na sambit ng demonyo habang mas lumalalim ang ngiti nito. "At palalayain kita. I'll spare your life."
Sandaling nagtama ang kanilang mga mata. Pagkatapos ay mariing umungol ang pinuno. Isang mababang growl ang kumawala sa kanyang lalamunan.
"You want me..." galit niyang usal. "You want me to betray my own pack and serve a demon like you?" Mariin niyang ipinakita ang kanyang mga pangil.
"Then I'd rather die." Hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin.
"Well then..." Sa isang kisapmata—
Naglaho ang demonyo. Ni hindi man lamang siya nakapikit.
Ang tanging naalala niya ay ang napakatalim na kirot na dumaan sa kanyang leeg, kasunod ang biglaang pamamanhid ng kanyang buong katawan.
Pagkatapos noon ay nagdilim ang lahat. Sa loob lamang ng isang iglap, napugot ng demonyo ang kanyang ulo. Wala man lang siyang pagkakataong makaganti.
Ngunit sapat na ang ilang segundong iyon. Naipadala na niya ang kanyang babala. At ngayon, mabilis nang kumakalat ang balita sa buong Crescent Moon Pack.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
