Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA XXV
Third Person's POV
Sa loob ng opisina, tahimik na naghihintay si Lady Freda habang nakaupo sa marangyang silya. Isang mapanlinlang na ngiti ang nakaguhit sa kanyang maitim na labi habang iniisip ang taong matagal na niyang pinaglalaruan.
How fortunate of me to discover that woman's biggest secret.
Tahimik siyang natawa.
Dahil sa lihim na iyon, tuluyan na niyang naikadena ang dating ikatlong ranggo ng Dark Coven. Gaano man kalakas si Lady Ganesha, hinding-hindi nito matatakasan ang hawak niyang tali—hangga't nasa kanyang kamay ang kaligtasan ng anak nito.
Makalipas ang ilang sandali, marahang bumukas ang pinto.
"Greetings, Lady Freda." Lalong lumawak ang ngisi ng babae.
"No need for formalities, Lady Ganesha. We're the only ones here."
Tahimik lamang na tumango si Ganesha bago isinara ang pinto sa kanyang likuran. Nang tuluyan siyang makalapit, unti-unting naglaho ang ngiti ni Freda at napalitan ng pilit na iritasyon.
Every single time she sees this woman's face, she feels an indescribable hatred.
Naroon pa rin ang malamig at walang emosyong ekspresyon ni Ganesha—parang wala itong pakialam sa ranggo ni Freda. Para bang siya pa rin ang nakatataas sa kanilang dalawa.
"How have you been?" tanong ni Freda matapos siyang titigan nang ilang segundo.
Halata ang pagod sa mukha ni Ganesha. Namumutla ito, namamayat, at may bakas ng puyat sa ilalim ng kanyang mga mata.
Good.
Mas lalo iyong nagpasaya kay Freda.
"Just like you said... no formalities," malamig na sagot ni Ganesha. "Tell me why you're here."
Mahinang natawa si Freda bago dahan-dahang lumapit. Marahan niyang hinaplos ang malamig na braso ng babae na tila ba nag-aalala.
"Looks like you've been burying yourself in work." Fake concern dripped from every word she uttered.
Lumapit pa siya hanggang halos dumikit ang labi sa tainga ni Ganesha.
"Keep doing that. As long as you stay obedient... your secret remains safe with me." Kasabay ng mga salitang iyon ay lumitaw sa kanyang palad ang isang kumikinang na kristal.
Sa loob nito ay makikita ang isang munting batang babae na masayang naglalaro sa isang simpleng tahanan.
Agad na nanginig ang mga mata ni Ganesha. Hindi niya napigilang humakbang palapit.
Yes...
Lady Ganesha had committed the greatest crime inside the Dark Coven.
She had a child.
Isang kasalanang hinding-hindi patatawarin ni Lord Casfir. Kapag nalaman ng kanilang pinuno ang katotohanan, hindi lamang ang bata ang mamamatay—kasama ring paparusahan si Ganesha.
Nanatiling nakatitig ang babae sa kristal habang bahagyang nangingilid ang kanyang mga luha.
Her daughter looked healthy... peaceful... alive. At iyon lang ang mahalaga.
"What a foolish mother," lihim na usal ni Freda sa kanyang isip. "Throwing away your status... your power... all because of one insignificant child."
Kung hindi dahil sa batang iyon, hindi sana niya naagaw ang ikatlong ranggo.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
