I Woodland Pack I

6.6K 233 0
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!






KABANATA XXIV

Third Person's POV

Ang Woodland Pack ay binubuo ng mahigit isang daang libong miyembro at matatagpuan sa silangang bahagi ng teritoryo ng Darkmoon. Napapalibutan ito ng malalawak na kapatagan, dahilan kung bakit kinikilala itong pangunahing training ground ng mga mandirigma mula sa Moonstone, Darkmoon, at Bluemoon Pack.

Sa hilagang bahagi naman ng pack ay may maliit na kagubatan kung saan nagsasanay mangaso ang mga kawal bilang bahagi ng kanilang combat training. Malapit din sila sa Grand Orleas River kaya hindi sila nagkukulang sa likas na yaman.

Ngunit dahil pinakamalapit sila sa West Forest, madalas silang unang sinalakay ng mga halimaw ng Dark Coven. Dahil dito, mas lalong tumitibay ang kanilang hukbo. Fighting monsters became part of every warrior's training, making Woodland one of the strongest military packs in Grand Orleas.

Sa kabila nito, kilala rin ang Woodland bilang isa sa pinaka-konserbatibong pack pagdating sa papel ng bawat kasarian.

Mas pinahahalagahan ang mga lalaking lobo dahil sila ang itinuturing na mandirigma at tagapagtanggol ng pack. Samantala, ang mga babae ay inaasahang manatili sa tahanan, alagaan ang pamilya, at ihanda ang sarili upang maging mabuting asawa sa hinaharap.

Lumaki ang bawat babae na tinuturuan ng gawaing bahay kaysa sa pakikipaglaban. Ang buong buhay nila ay umiikot sa paglilingkod sa kanilang magiging mate.

Dahil dito, marami ang nakaranas ng pang-aabuso at kawalan ng kalayaan. Ang ilan ay piniling lisanin ang Woodland, ngunit mas marami pa rin ang nanatili, mas piniling tiisin ang mapait na realidad kaysa makipagsapalaran sa labas ng pack.

Ironically, Alpha Douglas himself never had a son.

Dalawang anak na babae lamang ang mayroon siya—ang panganay na si Cimmerian at ang bunsong si Estrenne. Dahil dito, patuloy na nakararanas ng matinding pressure ang kasalukuyang Luna na muling magbuntis, umaasang sa pagkakataong iyon ay lalaki na ang magiging anak.

Hindi man naranasan ng magkapatid ang diskriminasyong dinaranas ng ibang babae dahil sa kanilang katayuan, hindi kailanman naging bulag si Cimmerian sa hindi patas na sistema ng kanilang pack.

Kung si Estrenne ay mahinhin at maamo, si Cimmerian naman ay apoy na handang lumaban sa kahit sinong haharang sa kanyang paniniwala.

Ilang beses na siyang nagrebelde laban sa mga patakaran ng ama, dahilan upang paulit-ulit siyang ikulong sa kanyang silid. Ngunit bawat pagkakataon ay nakakahanap pa rin siya ng paraan upang makatakas.

Isa siya sa pinakamalaking sakit ng ulo ni Alpha Douglas.

Sa kabutihang-palad, biniyayaan naman ang Woodland ng isang pambihirang heneral—si Rafael.

Ever since he was a child, everyone already knew he was destined to become a legendary warrior. His swordsmanship, leadership, and battle strategies earned him the title of the youngest and greatest general in Grand Orleas.

At siya rin ang taong pinakaayaw ni Cimmerian.

Mula nang magkakilala ang dalawa ay wala nang tigil ang kanilang pagtatalo. Rafael strictly followed the pack's laws, while Cimmerian spent her days trying to break them.

Sa bawat pagtakas ng dalaga ay siya rin ang nauutusang sumundo rito.

Sa bawat gulong pinapasok ni Cimmerian ay si Rafael din ang nagsasalba sa kanya. Unti-unti ay naging partner in crime niya ang heneral kahit labag iyon sa kanyang kalooban.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon