I Ganesha's Plan I

4.2K 142 2
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA L

Third Person's POV

Kung gayon ay totoo nga silang nag-eexist.

Tahimik na sambit ni Everly sa sarili habang pinagmamasdan ang mag-asawang nasa harapan nila. Sa loob ng napakaraming taon, ni isang bakas ng Good Coven ay wala nang narinig ang buong Grand Orleas.

Mula nang mawala ang kanilang High Priestess, tila naglaho silang parang usok, leaving the entire world to believe they had already disappeared.

Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.

If they truly existed all this time... why did they allow countless innocent lives to suffer under the Dark Coven?

Magkaiba man ang paraan ng paggamit nila ng kapangyarihan, parehong warlocks ang Good Coven at Dark Coven. Pareho silang may dugong mahika, parehong marunong gumamit ng spells. Kung may ibang dapat tumayo laban sa Dark Coven bukod kay Weresfia, it should have been the Good Coven.

Yet they chose to remain hidden.

Hindi malaman ni Everly kung duwag lamang ba ang mga ito o may mas malalim pang dahilan sa likod ng kanilang pagkawala. Isa pa, si Alpha Greyson—ang taong nararapat sanang mamuno sa Coven—ay piniling manatili bilang Alpha ng Moonstone Pack. Baka iyon din ang dahilan kung bakit tila napabayaan ang kanilang tungkulin.

"Ano ang ibig mong sabihin, Nefeli?" tanong ni Nymeria. Halatang hindi lang siya ang naguguluhan. Even the elders wore the same curious expressions.

Huminga nang malalim si Nefeli bago nagsimulang magpaliwanag.

"Ilang taon na ang nakalipas nang mapadpad ang Good Coven sa aming pack. Dahil ang Flintstone Pack lamang ang tumatanggap ng kahit anong nilalang, regardless of race or bloodline, napagdesisyunan nilang doon magtayo ng pansamantalang tahanan." Sandali siyang tumigil bago ipinagpatuloy ang kuwento.

"Tinanggap namin sila nang buong puso dahil mataas ang paggalang ng buong Grand Orleas sa Good Coven. Napakalawak ng aming teritoryo kaya pinili nilang manatili sa pinakadulong bahagi nito—isang lugar na tinatawag naming Sacred Lake." Napangiti siya nang mapait.

"Sa loob ng maraming taon, they protected our pack from countless dangers. Halos walang digmaan o malaking sigalot ang nakaabot sa aming teritoryo dahil sa kanilang presensya." Tahimik lamang na nakikinig ang lahat.

"Ngunit may isa silang kondisyon." Humigpit ang hawak ni Nefeli sa laylayan ng kanyang damit. "Walang sinuman ang dapat makaalam na naninirahan sila roon." Tumango si Nymeria.

"Sa pagkakaalam namin," pagpapatuloy ni Nefeli, "hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakukumbinsi ang Alpha ng Moonstone na tanggapin ang posisyon bilang bagong High Priest ng Coven. Kaya nananatili pa rin sila sa aming pack habang hinihintay ang kanyang desisyon."

Nagpalitan ng tingin ang mga elders. Biglang nagsalita si Zaugustus, at bakas sa kanyang mukha ang matagal nang kinikimkim na sama ng loob.

"Sa kabila ng kabutihang ipinakita namin sa kanila... nanatili pa ring sarado ang kanilang puso para sa aming anak." Natahimik ang buong silid.

"Ilang beses kaming lumuhod at nagmakaawa," dagdag pa niya, pilit pinipigilan ang nanginginig na boses. "We begged them to save Lilura. Ngunit sa bawat pagkakataon, pagtanggi lamang ang isinagot nila." Mahigpit niyang kinuyom ang kanyang kamao.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon