Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!
KABANATA LXIII
Third Person's POV
"He wanted me to carry his daughter's name, Miciera, as a symbol of his regret for losing her. No amount of power could ever bring her back. That was when I learned the truth: not every demon is born evil. Some are simply victims of their own terrible choices."
Dahan-dahan niyang itinaas ang mga kamay, pinagmasdan ang mga ito na tila ba unang beses niyang nakita ang kapangyarihang taglay niya.
"The demon's essence lives inside me now. It gave me strength beyond anything I could have imagined. That is why you can sense demonic blood in me. It is also the reason I survived. He knew that, at that time, power was the only thing I still desired."
Mabigat ang dibdib ni Everly habang nakikinig. Hindi niya maiwasang makita ang sariling anino sa kwento ni Miciera. Alam niya ang sakit ng pagkawala—ang maiwang kumakapit sa mga alaala at emosyon na ibinigay ng taong minahal mo.
"A few months ago, I lost the elderly woman who raised me as her own. Another demon took her from me. Since then, all I've wanted is to make that creature pay. But when I witnessed your power overwhelming those monsters, I realized I had finally found what I needed."
Humakbang siya palapit, diretso ang tingin kay Everly.
"An alliance."
Pareho silang winasak ng kapalaran.
Parehong nawalan, parehong may kinikimkim na galit, at parehong naghahanap ng hustisyang hindi kayang ibigay ng panahon.
"Whether you see it or not, we're alike, Everly. I need you as much as you need me. I'm asking you to trust me. I cannot imagine standing beside anyone else through this coming chaos. Please accept me as your ally. I vow that I will never betray you."
Tuluyan siyang lumuhod sa lupa. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata habang mahigpit niyang kinuyom ang mga kamay.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kapag tumanggi pa rin si Everly. Ito na lamang ang nakikita niyang pag-asa upang makamit ang hustisyang matagal niyang hinahanap.
Tahimik si Everly nang ilang minuto bago tuluyang magsalita.
"Are you willing to pledge your loyalty, Miciera?" Mabilis niyang iniangat ang ulo at sunod-sunod na tumango.
"I will pledge my loyalty only to you, my lady. Offering you my life is only a small token of gratitude for allowing me to stand beneath your wings." Masaya siyang yumuko bilang respeto.
"I hope we soar with the wings you see in me, Miciera." Tumalikod si Everly at nagsimulang maglakad.
Saglit namang natigilan si Miciera nang makita ang kanyang likuran. Sa ekspresyon ng dalaga ay tila nakita niya ang anino ni Lord Gallore.
Doon niya napagtanto kung gaano sila magkatulad—parehong makapangyarihan, parehong itinulak sa sukdulan ng sakit. Ang kaibahan lamang ay ang mga desisyong pinili nilang gawin.
Kaagad siyang tumayo at sumunod.
Tahimik silang naglakad patungo sa central mansion. Isa-isang napalingon ang mga nilalang na abala sa paglilinis. Hindi niya sila masisisi.
BINABASA MO ANG
MY CURSED MATE
ParanormalA cursed appearance. A shattered destiny. A truth that could rewrite history. In the shadowed lands of Grand Orleas, EVERLY is a living symbol of fear and loathing. Her disfigured visage mirrors the incurable disease wrought by warlocks-servants of...
