I The truth I

6.3K 215 13
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!





KABANATA XXXI

Third Person's POV

Tahimik na umusal si Nemya ng isang concealing spell na bumalot sa kanyang buong katawan bago dahan-dahang lumapit sa pintuan ng opisina ng Alpha. Maingat niyang idinikit ang tenga sa malamig na kahoy at pinalakas ang kanyang senses, determined to hear every word being exchanged inside.

Ngunit agad siyang napakunot-noo.

A powerful spell was shielding the entire office, muffling every sound that tried to escape.

She narrowed her eyes and poured more mana into her enhanced hearing. Unti-unting nabasag ang harang, sapat lamang upang makahuli siya ng ilang putol-putol na salita.

"Looks like it was a successful transaction after all..."

"Well, yes... all thanks to your cooperation..."

"...tonight..." Napakagat-labi si Nemya.

The voices were too distorted to fully understand, ngunit malinaw na may mahalagang usapan na nagaganap sa loob. She remained perfectly still, forcing herself to catch even the faintest whisper.

Pagkaraan ng ilang segundo ay muling nanahimik ang silid.

Kasabay noon ay naramdaman niyang naglaho ang spell na bumabalot sa opisina. Bumalik ang normal na tunog ng paligid, at unti-unti ring nawala ang mabigat at nakakakilabot na presensyang kanina pa niya nararamdaman.

The mysterious visitor had already left.

Napabuntong-hininga siya. Hindi man niya lubos naunawaan ang buong pag-uusap, one thing was painfully obvious.

Their plan had succeeded.

The only question now was...

What kind of plan? Ano ang klaseng "transaction" na ipinagdiwang nila?

Lalong tumindi ang kanyang pagdududa. Mukhang kailangan pa niyang manatili bilang isang ordinaryong katulong sa mansion sa loob ng mas mahabang panahon upang matuklasan ang katotohanan.

For now, reporting her findings was her priority.

Sa loob lamang ng isang minuto ay nag-teleport siya patungo sa kanilang lihim na tagpuan malapit sa Bluemoon Pack. Doon sila nagkikita tuwing gabi upang ibahagi ang kani-kanilang impormasyon bago ito iulat ni Ophir sa Alpha.

Ngunit pagdating niya...

Kaagad umasim ang kanyang mukha.

Sa halip na si Ophir, si Kleon ang nadatnan niyang nakahiga sa lumang kahoy na duyan habang tila walang pakialam na nakatanaw sa kalangitan.

The hut was swallowed by darkness. Nasa gitna iyon ng kagubatan kaya hindi sila maaaring magsindi ng ilaw. Moonlight filtering through the broken window was the only thing illuminating the place.

Nang magtama ang kanilang mga mata, lumapad ang nakakairitang ngisi ni Kleon.

"Don't look too disappointed to see me." Napapikit na lamang si Nemya upang pigilan ang sariling umikot ang mga mata.

"Looks like Ophir isn't here yet. I'll just come back later."

"Why don't you wait with me?" aniya habang nakangisi. "We could talk. Para hindi tayo mabagot."

I'd rather talk to myself than waste my time with a two-faced snake like you.

Hindi niya iyon sinabi nang malakas, ngunit kitang-kita sa kanyang mukha ang disgusto.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon