I Sudden Twist I

4.6K 150 4
                                        

Warning! This chapter is not edited, so expect typos, misspelled words, and grammatical errors. Thanks and enjoy reading!




KABANATA XLI

Third Person's POV

Sa mansion, nanatiling gising si Everly kahit malalim na ang gabi. Kanina pa siya nakapikit ngunit ni katiting na antok ay walang dumadapo sa kanya. May mabigat na pakiramdam na hindi niya maipaliwanag, parang may paparating na hindi magandang mangyayari.

Dahil doon, nagpasya si Eve na ipagpatuloy na lamang ang kanilang pagsasanay.

Focus, Everly.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim, pilit na kinokontrol ang enerhiyang umiikot sa kanyang katawan.

"Hmp..." Napuno ng hangin ang kanyang dibdib hanggang sa halos sumakit iyon sa sobrang pagpipigil.

She's already lost count.

Mahigit isang daang beses na niyang sinusubukang ibalik ang kanyang dating anyo, ngunit wala pa ring pagbabago. Unti-unti na ring nawawalan ng pasensya si Eve sa paulit-ulit na pagtuturo.

That's enough.

Bigla siyang napatigil.

Kasabay noon ay nawala ang kontrol niya sa sariling kapangyarihan. Nanghina ang kanyang katawan at napaluhod siya sa damuhan habang habol ang hininga.

"N-No... I want... to try again..." She struggled to stand, ngunit mariing umiling si Eve.

Napayuko na lamang siya sa sobrang frustration. Hindi pa rin sapat. Hindi pa rin niya makontrol ang sarili niyang kapangyarihan.

Bigla niyang naramdaman ang malamig na bagay na pumulupot sa kanyang pulsuhan. Napaangat siya ng tingin.

A silver bracelet had appeared around her wrist. Napatingin siya rito bago muling nilingon si Eve.

Ang pulseras na iyan ang pansamantalang magtatago ng iyong tunay na anyo.

Kasabay ng mga salitang iyon ay nabalot ng puting liwanag ang kanyang katawan. A few seconds later, the light faded.

Nang muli niyang imulat ang mga mata, bumalik na sa dati ang kulay ng kanyang balat at mga kamay.

She looked like Everly once again.

Habang suot mo iyan, mananatili ka sa ganyang anyo kahit sumapit ang gabi. Ngunit oras na alisin mo ang pulseras... babalik ang tunay mong anyo pagpatak ng dilim.

Tumango siya.

Mag-ingat ka rin sa paggamit ng iyong kapangyarihan. Kapag nawalan ka ng kontrol at nasira ang pulseras, mabubunyag ang iyong pagkatao sa harap ng ibang nilalang.

Alam na alam niya ang maaaring mangyari. If the truth comes out she would either become everyone's target—or attract every creature serving the Dark Palace.

Neither outcome would spare her life.

Now... let's continue with teleportation.

Sa pagkakataong ito, mas naging maayos ang resulta. Hindi na siya gaanong nahirapan. Unti-unti na siyang nasasanay sa daloy ng kapangyarihan.

She teleported across the mansion grounds multiple times.

From the garden. To the balcony. Hanggang sa bangin sa likod ng mansion. Each attempt became smoother than the last.

MY CURSED MATEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon